Viral music video ng SB19 tampok ang lumang mapa ng Pilipinas na ginagamit sa WPS claim

Imahe mula sa SB19/Sibuyan Island
  • Nag-trending sa social media ang latest single ng P-pop group na SB19 na “What?”
  • Nag-number 1 ito sa trending list ng Twitter Philippines at humakot na ng mahigit 3 million views sa YouTube simula nang i-release noong Martes, March 9
  • Itinampok sa music video ng “What?” ang lumang mapa ng Pilipinas na ginamit na ebidensya sa WPS claim ng bansa

Nag-trending sa Twitter at YouTube ang official music video ng “What?” ng Pinoy Pop group na SB19 matapos iyong ilabas noong Martes, March 9.

Screenshot mula sa What? music video

Nag-number 1 sa Twitter Trends ang music video dito sa Pilipinas at nag-number 1 Trending Video iyon sa YouTube.

Sa loob lang ng 24 oras simula nang I-release ay humakot na ang “What?” music video ng 1.4 million views sa YouTube. Kasalukuyan pa rin itong namamayagpag sa video-sharing platform. Mayroon na ito ngayong mahigit 3,000,000 views.

Dominado ng hashtag na #SB19WhatMVOutNow na ginamit para i-promote ang kanta ang trending list ng Twitter Philippines kung saan mayroon iyong halos 700,000 tweets.

Dahil sa historical at cultural content ng “What?” music video ay maraming A’Tin ang humanga sa latest single ng grupo. (A’Tin ang tawag sa mga fans ng SB19). Sa dulo ng video ay ipinakita ang lumang mapa ng Pilipinas na tinatawag na “Murillo Map” na ginamit ng bansa para sa claim sa West Philippine Sea (WPS) territory.

Ang Murillo Map ang isa sa mga ebidensyang iprinisinta ng Pilipinas sa United Nations Tribunal on the Law of the Sea sa The Hague proceedings noong 2015. Ang desisyon ng UN Tribunal noong 2016 ay pabor sa Pilipinas at ibinasura ang “nine-dash” claim ng China na sumasakop sa 90% ng South China Sea (West Philippine Sea).

Imahe mula sa Sibuyan Island

Taong 1734 nang ipagawa ng paring Heswita na si Fr. Pedro Murillo Velarde ang mapa sa native cartographer na si Nicolas de la Cruz Bagay.

Ang Murillo Map ay nabili ng negosyanteng si Mel Velarde sa isang subastahan ng Sotheby’s sa London noong 2012 sa halagang P12 million. Noong 2017 ay ibinigay niya ito sa National Museum of the Philippines bilang handog sa mga mamamayang Pilipino.

Panoorin ang music video ng What?:

Loading…