VP Leni, nakiusap na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media

Imahe mula sa Facebook | Leni Robredo
  • Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na hindi siya ang babae sa kumakalat na larawan sa social media
  • Makikita roon si Dr. Flordeliza Grana na nagpapabakuna habang suot ang ‘bakuna blouse’
  • Nakiusap sila na i-report ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media matapos na kumalat ang “fake news” na nagpabakuna siya nang hindi tinataas ang manggas ng suot na blouse.

Imahe mula sa Facebook | Leni Robredo

Nilinaw ni VP Robredo na hindi siya ang nasa larawan kundi si Dr. Flordeliza Grana mula sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. “Mariin naming pinabubulaanan na si VP Leni ang babaeng binabakunahan sa litratong ito na kumakalat sa social media,” pahayag nila sa Facebook.

Hindi rin daw itinaas ang manggas ng doktora habang tinuturukan ng bakuna dahil may naman slit naman ang suot na blouse nito. “This is ridiculously funny. Hindi po ako ‘yan. Ayoko sanang patulan pero ang daming nagpapadala ng mga screenshots,” sabi pa ni VP Robredo sa isang Facebook post.

Maging si Dra. Grana ay ibinahagi rin ang post ni VP Leni. “‘Bakuna‘ blouse gamit ko. Please report those spreading fake news. Thank you!”

Imahe mula sa Facebook | Flordeliza Grana

Isa sa mga nagbahagi ng larawang iyon ay ang blogger na si Sass Rogando Sasot. “I know this is symbolic. Pero sana naman itinaas ang manggas para mas kapani-paniwala. Eksena 101,” aniya. Umani na libo-libong reactions at shares ang kaniyang post.

Pakiusap ng kaniyang kampo ni VP Leni, sana ay ugaliing magbahagi lamang ng tama at makabuluhang impormasyon lalo na sa panahong ito ng pandemya.

“Huwag basta-bastang mag-assume. Maging mapagmatyag at mapanuri sa mga nababasa sa social media at i-report ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan,” sabi niya pa.

Humingi rin siya ng paumanhin kay Dra. Grana.

Loading…