VP Robredo hiniling na payagang makabili ng vaccines ang private sectors nang walang stringent requirements

Imahe mula sa European Pharmaceutical Review
  • Hiniling ni VP Robredo sa gobyerno na alisin na ang mahigit na requirement na hinihingi sa mga private companies na gustong bumili ng COVID-19 vaccines
  • Mabigat umano para sa mga maliliit na kumpanya ang requirement na i-donate sa gobyerno ang 50% ng bakunang mabibili
  • Binatikos ng mga mambabatas ang draft order ng DOH at NTF na hindi isali sa mga papayagang makabili ng COVID-19 vaccines ang mga manufacturers ng tobacco, milk, sugar, softdrinks at alak

Hiniling ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na payagan ang private sector na makabili ng COVID-19 vaccines nang walang mahigpit na requirements.

Imahe mula sa Tribune

Sa kanyang radio program noong Linggo, ika-21 ng Marso, pinasalamatan ng Bise Presidente ang private sector matapos pumasok sa tripartite agreement ang maraming mga kumpanya para makabili ng COVID-19 vaccine para sa kanilang mga empleyado at pamilya.

Sinabi ni VP Robredo na ang requirement na i-donate ng private company ang 50% ng bibilhing bakuna ay makahahadlang sa mga maliliit na kumpanya para makabili ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga empleyado.

“Sana mas maging liberal na dito. Ang gustong sabihin imbes na pahirapan, magkaroon na ng arrangement kung papaano susunod pa din dun sa prioritization ng pamahalaan, pero bigyan ng mas maraming elbow room ‘yung private na makatulong. Kahit exclusive sa empleyado nila, tulong pa rin iyon sa Pilipinas, ‘di ba?” aniya.

“Nagpapasalamat tayo sa private companies kasi talagang nag-i-invest sila para dito pero sana ‘di siya maging prohibitive sa mga maliliit na kumpanya. Tulungan sanang makabili na hindi ganoon kagrabe iyong requirements kasi ‘di na naman kaya ng lahat,” sabi pa ni VP Robredo.

Samantala, binatikos ng mga mambabatas ang draft order ng Department of Health at ng National Task Force Against COVID-19 na rebisahin ang request ng private sector na bumili ng bakuna upang matiyak daw na hindi kasali doon ang mga manufacturers ng tobacco, milk, sugar, soft drinks, at alak.

Screenshot mula sa ANC video

Hindi raw dapat hinahadlangan ng gobyerno ang kontribusyon ng mga private companies sa vaccination program ng bansa upang madaling makamit ang tinatawag na herd immunity.

Makakamit ito kapag mas marami ang mga taong nabakunahan kaysa sa mga taong hindi pa nabakunahan.

Loading…