Willie hinimok ni Pangulong Duterte na tumakbo sa eleksiyon sa 2022

Screenshot mula sa You Tube
  • Si Pangulong Duterte mismo ang naghimok kay Willie na tumakbo sa halalan
  • Ang mensahe umano ni Duterte sa kaniya: “Leave your options open”
  • Gayunpaman, wala pa namang sinasabi ang ‘Wowowin’ host kung may plano nga siyang pasukin ang mundo ng pulitika

Ngayon pa lang ay tila may basbas na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sakali mang nais ni Willie Revillame na pasukin ang pulitika sa darating na halalan.

Kamakailan ay nakausap ng Pangulo sa telepono ang ‘Wowowin’ host matapos makasama ng huli sina Senador Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea sa isang dinner sa Greenhills. Ito ay sponsor umano ng isang sikat na Siomai brand.

Doon ay napag-usapan nila ang pulitika at tinanong si Willie kung ano ang plano nito.

Ayon naman sa komedyante, wala pa siyang plano maliban sa patuloy na pagbibigay ng saya at tulong sa mga tao sa pamamagitan ng kaniyang programang ‘Wowowin: Tutok to win’.

Imahe mula sa YouTube | Willie Revillame

Pagkatapos umano ay sinabihan ni Senador Go si Willie na kakausapin siya ng Pangulo. Nabigla at wala raw nasambit ang host kung hindi “Good evening, Mr. President.”

Wika naman ni Pangulong Duterte sa kabilang linya, “Willie, maraming salamat sa pagtulong mo sa mga kababayan natin. Pinanonood kita. Alam ko ang mga ginagawa mong pag-ayuda sa mga nangangailangan.”

Bagama’t hindi na nasagot ni Willie ang presidente, mayroong pahabol si Duterte na sinabi kay Go.

“Leave your options open daw, sabi ni Pangulo,” ayon sa senador.

Imahe mula sa Facebook

Si Kuya Wil ay kilala sa pagiging matulungin; hindi lamang sa pamamagitan ng kaniyang mga naging programa sa telebisyon kung hindi maging sa pribadong buhay na minsan ay hindi na naibabalita.

Sa kabila ng kaniyang kasikatan at pera, ilang beses na ring itinanggi ni Willie na mayroon siyang planong pasukin ang mundo ng pulitika at public service.

Gayunpaman, marami pa rin ang nagsasabing maaaring ang mga ginawang pagtulong ng ‘Wowowin’ host, lalo na noong panahon ng kalamidad, ay isang indikasyon na may balak nga si Willie na tumakbo sa darating na eleksyon.

Loading…