100 medical workers mula Cebu tutulong muna sa NCR – DOH

Imahe mula sa The Straits Times
  • Magpapadala sa Metro Manila ng nasa 100 doktor at nurse ang probinsiya ng Cebu
  • Sila ay tutulong sa mga medical frontliners sa NCR dahil sa patuloy na lumolubo ang bilang nag nahawahan sa rehiyon
  • Mayroon ding manggagaling naman sa Ilocos region, ayon kay Senador Bong Go

Nasa 100 na mga doktor at nars ang nakatakdang dumating sa Metro Manila mula sa Visayas upang alalayan ang medical frontliners sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng tumataas na bilang COVID sa rehiyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na ang mga medical workers na ito ay karaniwang manggagaling sa mga probinsiya kung saan mababa ang kaso ng COVID.

Screenshot mula sa DOH video

Kabilang na rito ang Cebu na magpapadala umano ng 100 na doktor at nurse sa mga darating na araw.

“Ganun talaga, tulungan lang tayo dito kasi hindi kakayanin at the current human resource capacity,” ani Duque.

Ang mga doktor at nurse na magmumula sa probinsiya ay ikakalat sa iba’t-ibang pagamutan sa NCR na kinakapos na ng manpower dahil sa dami ng isinusugod ngayon sa mga ospital.

Imahe mula sa Japan Times

Kumokonti na rin umano ang mga health workers sa NCR dahil marami na rin ang nahawahan ng COVID-19. Ito ay sa kabila ng karamihan sa kanila ay naturukan na ng bakuna nitong nagdaang linggo.

Paalala ni Duque, kailangan pa ring mag-ingat ang mga medical frontliners dahil hindi garantiyang hindi na sila mahahawa kapag naturukan na ng bakuna kontra COVID.

“Kailangangang sumunod pa rin sila sa ating quarantine protocols,” paalala ng kalihim.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

Samantala, kinumpirma rin ni Senador Bong Go, ang chairperson ng Senate committee on health, na magpapadala rin sa NCR ng karagadagang medical workers  ang DOH Center for Health Development sa Ilocos region.

Sasagutin umano ng DOH ang lahat ng gastos sa kanilang biyahe habang makatatanggap rin sila ng dagdag na 20 porsiyentong premium sa kanilang basic pay na magmumula sa pondong inilaan sa Bayanihan to Recover As One Act.

Loading…