15 million doses ng Johnson&Johnson COVID-19 vaccines nasira

Imahe mula sa Remate
  • Nasira ang 15 million doses ng Johnson&Johnson COVID-19 vaccines
  • Naihalo ng mga manggagawa sa Johnson&Johnson COVID-19 vaccine ang sangkap na para sa AstraZeneca COVID-19 vaccine
  • Inatasan ng Biden Administration ang Johnson&Johnson na i-supervise ang vaccine production sa Emergent BioSolutions manufacturing plant

Nasira ang tinatayang 15 million doses ng Johnson&Johnson COVID-19 vaccine dahil sa isang pagkakamali na naganap sa Emergent BioSolutions; isang vaccine manufacturing plant sa West Baltimore sa Maryland.

Imahe mula sa Johnson&Johnson

Ang mga nasirang bakuna ay nakatakda sana para i-deliver sa United States ngayong buwan ng Abril, subalit dahil sa naganap na pagkakamali ay maaantala iyon.

Dalawang COVID-19 vaccines ang ginagawa ng Emergent BioSolutions – ang Johnson&Jonhson at ang AstraZeneca.

Naihalo umano ng mga workers ng Emergent sa ginagawang Johnson&Johnson vaccines ang sangkap na para sana sa AstraZeneca vaccines.

Nakapanghihinayang ang pangyayari lalo na’t ang bakuna ng Johnson&Johnson ang itinuturing na most important COVID-19 vaccine sa buong mundo dahil one dose lang nito ang kailangan iturok at hindi dalawang doses katulad ng ibang COVID-19 vaccines.

Hindi rin kailangang frozen ang Johnson&Johnson vaccine dahil puwede itong iimbak sa normal refrigerator temperatures kahit tumagal ng ilang buwan.

Imahe mula sa The Verge

Naglabas ng pahayag ang Johnson&Johnson matapos ang pangyayari.

“As with the manufacturing of any complex biologic medication or vaccine, the start-up for a new process includes test runs and quality checks to ensure manufacturing is validated and the end product meets our high-quality standards. This approach includes having dedicated specialists on the ground at the companies that are part of our global manufacturing network to support safety and quality,” ayon sa kumpanya.

“This quality control process identified one batch of drug substance that did not meet quality standards at Emergent Biosolutions, a site not yet authorized to manufacture drug substance for our COVID-19 vaccine. This batch was never advanced to the filling and finishing stages of our manufacturing process,” dagdag  pa nito.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Inatasan ng Biden Administration ang Johnson&Johnson na i-supervise ang vaccine production sa Emergent BioSolutions manufacturing plant.

Loading…