2-in-1: Mga COVID-19 patients sa India nagsasalo na lamang sa kama

  • Nagsasalo na lamang sa iisang kama ang mga pasyenteng may COVID-19 sa isang ospital sa India
  • Patuloy ang pagdami ng mga taong nadadapuan ng virus
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

“Two-in-one.”

Sa ganyan mailalarawan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa isang pampublikong ospital sa New Delhi, India, kung saan makikitang magkasamang nakahiga sa iisang kama ang dalawang paasyente habang nakasuot ng oxygen masks.

Public Domain Image

Ayon sa pamunuan ng Lok Nayak Jai Prakash Narayan Hospital (LNJP), isa sa mga pinakamalalaking COVID-only facilities sa naturang bansa na may mahigit 1,500 hospital beds, masyado nang overflowing sa mga dinadalang pasyente sa kanila, na hindi na kinakaya ng mga casualty wards.

“We are definitely over-burdened. We are already working at full capacity,” pag-amin ng medical director na si Suresh Kumar.

Umabot na raw sa mahigit 300 ang mga pasyenteng may COVID-19 na may kritikal na kondisyon. Dumating na sa puntong kinakailangan na nilang pagsamahin sa iisang kama ang mga pasyenteng hindi magkakamag-anak, o hindi magkaano-ano.

Matapos daw ipatupad ang ‘world’s strictest lockdowns’ noong nakaraang taon, tila naging kampante raw ang pamahalaan ng India sa pagsisimula ng 2021.

“People are not following the COVID-19 guidelines. They are just careless,” saad pa ng marketing direktor.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“We don’t want this to happen here in our country. Please my countrymen follow the health protocols and always wear mask and wash your hands… Please please… May the Lord guide and protect us,” pahayag ng isa.

Turan naman ng isa, “Imagine hundred thousand cases a day. Isa sa mga pinakamalaking bansa, karamihan din sa kanila hindi nagma-mask and nag-oobserve ng physical distancing base sa mga nakikita ko through my Indian friend. Nakakalungkot lang na nagkaganito tayo.”

“Pandemic is pandemic. Dapat nagtutulungan. Hindi nagsisihan or batikos dito batikos doon. Siguro kung tapos na sa ibang bansa at Pilipinas na lang naiwan na may COVID, siguro pwede mag-comment. Meanwhile, while the world is struggling, stop complaining. Kung puwede follow health protocols na lang and help the government,” wika naman ng isa.

Nawa ay hindi umabot sa puntong ganito na rin ang mangyari sa Pilipinas.

Loading…