25 taong gulang na lalaki ipinagmalaki ang naipundar na bahay para sa pamilya at sarili

  • Ipinagmalaki ng isang 25 taong gulang na lalaki ang kaniyang naipundar na bahay
  • Alay niya ito para sa kaniyang pamilya
  • Malalim ang naging inspirasyon dito ng binata dahil bata pa lamang siya, naranasan na niyang manuluyan sa isang maliit na bahay, na walo silang nagkakasya roon

Sabi nga, hindi naman karera ang buhay. May mga pangarap tayong maaaring abutin anuman ang ating edad. Ang mahalaga, hindi dapat makipagkumpetensya sa ibang tao. Ang tagumpay ay maaaring makuha, bata man o nakatatanda na.

Kagaya na lamang ng isang netizen na nagngangalang Gil Miano Suazo mula sa Laguna, matapos niyang ibahagi sa Facebook page na ‘Home Buddies’ kung paano niya naipundar ang kaniyang bahay para sa kaniyang pamilya at sarili, sa edad na 25 taong gulang. Isinalaysay niya ang kaniyang pagsisipag at pagsusumikap upang makamit ito sa kaniyang mid-20s.

Imahe mula sa Facebook account ni Gil Suazo/Home Buddies

“This is my gift sa aking family, lalo na kay Nanay at Tatay. Ang aming bahay-kubo na puno ng pagmamahal!” saad ni Suazo kalakip ang larawan ng kaniyang ipinatayong bahay na umabot sa 3.5 milyong piso ang running construction cost.

Naging pursigido ang netizen na magpatayo ng kanilang sariling bahay dahil matagal na raw silang nangungupahan. nakalakihan na raw niya ang isang bahay na may maliit na espasyo at tagpi-tagpi.

“8 kami sa maliit na space na ‘yun pero puno ng pagmamahal. I was raised with big amount of love and care kaya lagi akong nangangarap para sa pamilya ko,” saad niya.

Salaysay ni Suazo, sa edad na 13 ay natuto na siyang magbanat ng buto. Namasukan na siya bilang waiter, utusan, wedding singer, at iba pa. Nagsimula na rin siyang mag-ipon dahil natutuhan na niyang pahalagahan ang bawat sentimong natatamo niya dahil sa kasipagan.

Dahil bata pa lamang ay marunong nang kumayod upang magkaroon ng sariling pera, kaya hanggang sa paglaki at pag-mature ay sanay na sanay na siya.

Imahe mula sa Facebook account ni Gil Suazo/Home Buddies

“Luckily I was able to enter UP and graduated Cum Laude while working pa rin po as student assistant for 4 years. (Note: It’s not about the university or if you graduated with flying colors. Sipag, pagmamahal sa Diyos at sa pamilya, ambisyon at diskarte pa rin ang magdadala sa ‘yo sa buhay). I never dream less for myself and for my family.”

“Nag-work ako agad and I had two scholarships sa St. Benilde and Asian Institute of Management while working full-time. I work almost 15 hrs/day, 7 days a week. I gained a lot of skills and ventured into business after 2 years of working.”

“I juggled 5 jobs/businesses-being a Financial Advisor/Unit Manager, Sales and Marketing Consultant and started two businesses: online academy and furniture manufacturing. I needed to sacrifice a lot for myself because I have a big goal na ayokong hindi matupad.”

Sa kabila nito, tinitiyak din niyang may panahon din siya para sa kaniyang sarili. Hindi niya nakalilimutang mamasyal, makipag-bonding sa kaniyang pamilya at mga kaibigan, at i-pamper ang kaniyang sarili.

“No regrets! I enjoy every bit of my life. Every second of it. I still go to the gym, travel, have fun and hindi ko nakakalimutan i-treat ang sarili ko and my loved ones.”

May payo rin siya sa mga nagnanais na magpatayo ng sariling bahay gaya niya.

“Saka pala kapag bahay, huwag tayo magtipid. Sagarin na natin. Give our best na po. Walang sayang sa bahay. I wanna ask for your suggestions din po on how to make this home look best. Kayang kaya mo rin!”

Imahe mula sa Facebook account ni Gil Suazo/Home Buddies

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizens sa comment section ng kaniyang post, at nagpahayag sila na nabigyang-inspirasyon sila ni Suazo sa ibinahagi niyang testimonya sa kung paano niya naabot ang kaniyang mga panagrap, lalo na ang makapagpatayo ng sariling bahay para sa pamilya, at sarili.

Source :

Facebook

Loading…