Abangan! Karen Davila maglulunsad na rin ng sariling You Tube channel

Screenhot mula sa Instagram
  • Maglulunsad na rin ng kaniyang You Tube channel si Karen Davila
  • Ang pinakaunang episode ay mapapanood na sa Sabado, Labor Day
  • Humiling ang beteranang broadcaster sa kaniyang followers na suportahan ang kaniyang channel

Matapos ang ilang dekada sa television broadcasting, maglulunsad na rin ng kaniyang sariling You Tube channel ang beteranang Kapamilya broadcaster/journalist na si Karen Davila.

Sa kaniyang Instagram nitong Biyernes, ibinahagi ni Karen na ilulunsad niya sa Sabado, Mayo 1, ang kaniyang channel sa You Tube at iniimbitahan niya ang kaniyang mga tagahanga at kaibigan na abangan siya sa panibagong yugto ng kaniyang karera.

Screenhot mula sa Instagram

“I have been putting this off for so long, for years actually and finally had the courage to do it! I have been in the broadcast industry for 27 years but am really just learning new things on YOUTUBE. I am a newbie. I want to enjoy it and hope to be a part of your lives in a meaningful way,” anang post ni Karen sa Instagram.

Tinatanong rin niya umano ang sarili kung bakit ngayon niya lang ito naisipang gawin.

Bagama’t kilala na raw siya bilang beterano at matagal na sa industriya, iilan pa lang ang nakakaalam sa kaniyang personal na buhay lalo na ang tungkol sa kaniyang pamilya.

Screenhot mula sa Instagram

Dahil dito, nakahanda siyang ibahagi na sa madla ang tungkol sa kaniyang buhay, pag-ibig at mga pangarap. Bukod dito, nais niya ring tulungan ang ibang tao sa kanilang personal issues, hamon sa buhay at mga hirap na pinagdadaanan.

“Humihingi po ako ng tulong, ng advice sa inyo. Please let me know what topics you enjoy,” pakiusap pa ni karen.

Nakatakda niyang ibahagi ang pinakaunang episode ng kaniyang channel sa mismong Araw ng Paggawa nitong Sabado.

Screenhot mula sa Instagram

“Kinakareer namin ang first episode para sa launch of the channel on Saturday, kaya please mark the date. Makikilala niyo pa ako ng bongga or more sa MAY 1 Labor Day!!!,” ayon pa sa kaniya.

Kaugnay nito, humiling rin si Karen sa lahat ng kaniyang mahigit 500,000 followers sa Instagram na abangan siya sa You Tube at suportahan ang kaniyang channel.

Panoorin ang teaser ni Karen Davila:

Loading…