Advertisement ng isang kilalang bakeshop pinag-usapan

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang bagong patalastas ng isang bakeshop
  • Tungkol kasi ito sa pamamahiya
  • Ginawang pandesal ang lalaking nangangantiyaw sa mga elderly ladies

Matapos ang kontrobersyal at pinag-usapang patalastas ng isang brand ng softdrinks, tila nakikisabay naman sa hype ng makapukaw-pansing patalastas ang isang kilalang bake shop.

Pinag-usapan ng mga netizens ang pinakabagong patalastas ng Julie’s Bakeshop na makikita sa kanilang opisyal na Facebook page. Ipinagdiriwang ng naturang bakeshop ang kanilang 40th anniversary.

Image capture mula sa Facebook page ng Julie’s Bakeshop

Sa video, makikitang nasa gym ang dalawang ‘tita’ na nag-eehersisyo. May biglang pumasok na lalaki na may bigote, at panay ang kantiyaw nito sa dalawa. Maya-maya-dumating ang isang babaeng nakadilaw at ginawang pandesal ang naturang lalaki.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ako lang ba o sadyang ang hirap i-digest sa brain yung nangyari? Suggestion lang, imbes na ginawa siyang pandesal, sana binigyan na lang siya ng pandesal ng mga Titang kinakantiyawan niya tapos bumait na yung guy. Para din ipakita sa kabataan ang kasabihan na Kapag binato ka ng bato, batuhin mo rin ng tinapay. Just my opinion kaya relax, ako lang ito…” wika ng isa.

Saad naman ng isa, “Gets ko po yung ideya na gusto iparating ng Julies bakeshop. Di porke’t tita o may edad na ay malilimitahan ang mga bagay na gusto nilang gawin o nilalait na sila dahil hindi na swak sa kanilang edad. But hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi ng baker na ‘noon ang pandesal ay nasa abs, ngayon buong katawan na.”

Image capture mula sa Facebook page ng Julie’s Bakeshop

“I like this. A try at unusual advertising. Minsan talaga kapag hindi nakasanayan, nakakapanibago sa simula. But some changes are okay too. Maiba lang. Para sa akin po okay ito, pero kanya-kanya naman po tayo ng taste and iba- iba ang kiliti ng bawat tao,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “I love how commercials evolved from time to time. This might be disturbing yet a new taste for people. Nice Marketing strategy.”

Iba-iba man ang feedback o opinyon ng mga tao, iisa langa ng sigurado rito: epektibo ang naging patalastas ng bakeshop dahil pinag-usapan ito.

Samantala, panoorin ang patalastas ng Julie’s Bakeshop:

Source :

Facebook

Loading…