Aktor na ipina-Tulfo ng kapatid sa ina sinuportahan ni Elizabeth Oropesa

Screenshot mula sa GMA video
  • Sinuportahan ni Elizabeth Oropesa ang 90s actor na si Danny Ramos na ipina-Tulfo ng half-sister nito
  • Nagsumbong ng pananakit ang half-sister na si Danica kay Raffy Tulfo
  • Inamin ng aktor na namamalo siya ng sinturon at sinabing siya na ang kusang lalayo sa pamilya nila

Sa pamamagitan ng isang bukas na liham ay ipinakita ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa ang buong suporta niya sa 90s actor na si Danny Ramos na kamakailan lang ay ipina-Tulfo ng kanyang half-sister dahil sa paraan niya ng pagdidisiplina.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video

Narito ang buong mensahe ng aktres kay Danny Ramos na dati niyang naging karelasyon:

“Dear Danny,

Do not be sad anymore. Many of us who knows the real you will not judge you. I know the hardships you have been through just to survive and support your family. I also know the pain and sufferings that you quietly kept in your heart just so that you could give all of them a good life.

Our Father God in heaven will always understand you and Bless you. You will know who your friends are at times like this. Just like our friendship way back then when you did not have anything. Keep your chin up. Kaya mo ‘to. I’m sure maraming nagmamahal sayo.

Mabuti kang tao. Mapagmahal. Nagsasakripisyo sukdulang ipalit ang buhay para sa mga minamahal mo. Hindi ka pababayaan ng Dios. I will always pray for you.,

Elizabeth O.”

Sa programa ni idol Raffy Tulfo, inamin ng aktor na napapalo niya ng sinturon ang 21 years old na babaeng kapatid sa ina, pero itinanggi niya na binubugbog niya ito.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video

Ang kapatid ng aktor na si Danica ay humingi ng tulong kay Raffy Tulfo upang makahingi sa korte ng restraining order upang hindi na makalapit sa kanya ang kuya. Dahil ganoon ang nais mangyari ng kapatid, ang aktor na mismo ang nagsabing siya na lang ang lalayo sa pamilya nila.

Source :

PEP, YouTube

Loading…