Akyat-bahay sa Subic kumain muna sa bahay ng biktima bago tumakas

Screenshot mula sa GMA video
  • Isang akyat-bahay na suspek ang pinaghahahanap ng Subic PNP
  • Aabot sa P300,000 ang kabuuang halaga ng mga gamit na tinangay nito
  • Bago tumakas ay kinain pa raw ng suspek ang mga pagkain sa mesa ng biktima

Isang kawatan ang pinaghahahanap ngayon ng mga awtoridad matapos nitong pasukin ang dalawang bahay sa Barangay Matain, Subic, Zambales. Tinatayang aabot sa mahigit P300,000 ang kabuuang halaga ng mga natangay nitong alahas, relo at gadget.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon sa isang biktima, kinain pa umano ng suspek ang kanilang pagkain na naiwan sa hapag kainan bago ito tumakas.

Bago naganap ang pagpasok ng suspek sa bahay ng mga biktima ay nakunan pa ito ng CCTV. Makikita itong may sling bag at walang suot na pang-itaas.

Kapansin-pansin din na walang suot na face mask at face shield ang suspek kaya naman dismayado ang mga netizens sa mga opisyal ng barangay na tila hindi raw mahigpit sa pagpapatupad ng health protocols.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakapasok sa bahay ang suspek matapos nitong basagin ang salamin ng bintana. Nagkataong walang tao sa loob ng bahay dahil may inaasikaso umano sa bayan ang may-ari.

Masamang-masama ang loob ng biktima. Sabi nito, iyon ang unang beses na napasok sila ng akyat-bahay mula nang tumira sa barangay noong 1995.

“Since 1995, dito kami tumira. This is the first time na pinasok kami ng magnanakaw. ‘Yung lalagyan ng mga alahas ko talagang empty, including my watch. Kinuha niya po ang laptop,” anang biktima.

Screenshot mula sa GMA video

Nanawagan pa siya sa publiko sa sino mang nakakakilala sa suspek ay ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad.

“Kung sino man ang nakakakilala sa taong iyan, ipagbigay-alam agad sa pulisya ng Subi at sa barangay hall ng Matain,” panawagan ng biktima.

Ayon sa Subic PNP, mayroon na silang person of interest sa nangyayaring nakawan sa lugar.

Imahe mula sa Subic PNP
Source :

GMA , YouTube

Loading…