Alice Dixson natupad na ang wish na magka-baby: “God gave us a little miracle”

Screenshot mula sa Instagram ni ALice Dixson
  • Natupad na ang matagal nang wish ng beteranang aktres na si Alice Dixson
  • Sa Instagram nitong Biyernes Santo ay inanunsiyo ni Alice may bago nang miyembro ang kaniyang pamilya
  • Ayon sa maganda at magaling na aktres, “God gave us a little miracle”

Makaraan ang halos sampung taong paghihintay, natupad na ang matagal nang hinahangad ni Alice Dixson– ang magkaroon ng baby.

Kaya nitong Biyernes Santo, masayang ibinahagi  sa Instagram ng beteranang aktres ang ‘milagro’ na kaniyang natanggap mula sa Diyos.

Screenshot mula sa Instagram ni ALice Dixson

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle…,” masayang bungad ni Alice sa kaniyang Instagram photo na hawak ang isang papel na may cute at maliit na footprint, na hawig sa paa ng isang sanggol.

Aniya, matagal na niyang ipinagdarasal sa tuwing magdaraos siya ng kaniyang kaarawan na magkaroon ng anak.

“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles,” bahagi ng 51-anyos na aktres.

“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true… Our newest little family member has arrived.  From my family to yours, Advanced Happy Easter,” dagdag pa nito.

Screenshot mula sa Instagram ni ALice Dixson

Ang aktres na sumikat hindi lamang sa ganda ng kaniyang mukha, kung hindi sa kaniyang galing na rin sa harap ng kamera, ay dating ikinasal noon kay Ronnie Miranda, subalit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama matapos ang labing-apat na taon.

Sa kaniyang mga naunang panayam, inamin ni Alice na hindi pa siya sumusuko sa kaniyang pangarap na magkaroon ng anak. Nabanggit niya rin noon na nasa proseso sila ng kaniyang partner na magka-baby sa pamamagitan ng surrogacy.

Sa kasalukuyan, ang premyadong aktres ay abala sa taping ng GMA drama series na “Legal Wives” kung saan kasama niya sina Andrea Torres, Bianca Umali at Dennis Trillo.

Loading…