Andi Eigenmann isiniwalat ang dahilan ng paggawa ng YouTube channel

Screenshot mula sa Happy Islanders YouTube channel
  • Umabot na sa 2 million ang subscribers ng vlog ni Andi Eigenmann
  • Pinasalamatan niya ang suporta at pagmamahal ng mga subscribers sa YouTube channel niyang “Happy Islanders”
  • Isiniwalat ni Andi ang dahilan kung bakit niya sinimulan ang pagba-vlog

Umabot na sa dalawang milyon ang subsribers ng YouTube channel ni Andi Eigenmann na “Happy Islanders”  na noong January 2020 lang niya sinimulan. Sa Instagram post noong Sabado, April 3, pinasalamatan ni Andi ang mga subscribers sa channel niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Sa naturang post ay ibinahagi niya ang dahilan kung bakit niya sinimulan ang “Happy Islanders” vlog kung saan itinatampok din ang partner niyang si Philmar Alipayo, dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa, at si Ellie na anak niya sa dating karelasyong si Jake Ejercito.

Sabi niya, ipinost nila ang kauna-unahang vlog noong January 2020 dahil naisipan raw ni Philmar (@chepoxz) na masaya kung ipasisilip nila sa lahat ang buhay nila sa isla ng Siargao.

“2M on YouTube!!! We posted our first vlog last January of 2020, because @chepoxz thought it would be fun to share snippets of our island life to everyone,” post ni Andi.

Sabi pa niya, itinuloy-tuloy na nila ang paggawa ng mga video dahil napagtanto nila na isa iyong magandang paraan upang maimpluwensyahan ang iba na pangalagaan ang kapaligiran.

“We kept going because we figured it would be a great way to influence others to care more for our environment too,” aniya.

Screenshot mula sa Happy Islanders YouTube channel

Gusto rin daw nilang ipakita na ang simpleng pamumuhay ay nagdudulot ng labis na kaligayahan, na ang true happiness ay hindi kailangang manggaling sa mga bagay na mamahalin.

Hindi raw talaga nila akalain ang suportang ibinibigay ng mga subscribers sa kanilang vlogs. Aniya, ang pagtanggap  at pagmamahal na ipinakita ng mga ito sa kanila ang dahilan kaya tuloy-tuloy ang kanilang pagba-vlog. Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat niya sa mga followers.

“We are so so soo grateful to you all. From the bottom of our hearts, thank you so much!” taos-pusong pasasalamat ni Andi.

Samantala, tara na’t sumilip sa kanilang pinaka-latest na vlog.

Source :

Instagram, GMA

Loading…