Angel Locsin namigay ng medical supplies sa Philippine Coast Guard

Image by Philippine Coast Guard via Facebook
  • Angel Locsin, nag-donate ng 2,500 pares ng disposable gloves sa Philippine Coast Guard
  • PCG, pinasalamatan ang aktres sa tulong na ipinagkaloob sa ahensya
  • Patuloy na nakikibaka ang mundo sa COVID-19 pandemic

Nag-donate ng medical supplies ang aktres na si Angel Locsin sa Philippine Coast Guard (PCG) bilang tulong sa mga hakbang na isinasagawa ng ahensya para maprotektahan ang public health and safety ng mamamayan habang patuloy na nakikibaka ang mundo sa COVID-19 pandemic.

Image by Philippine Coast Guard via Facebook

Kabuuang 2,500 pares ng disposable gloves ang ibinigay ni Angel sa Task Group Resource Management, Logistics, and Admin ng ahensya noong ika-13 ng Abril, 2021.

Pinasalamatan naman ng ahensya ang aktres sa tulong na ipinagkaloob nito para sa arawang operasyon ng Task Group Airport and Task Group RT-PCR ng PCG.

Mababasa sa isang FB post ng PCG, “THANK YOU, MISS ANGEL LOCSIN! The men and women of the Philippine Coast Guard (PCG) express their sincere gratitude to Miss Angel Locsin for donating 2,500 pairs of disposable gloves to support the daily operations of the Task Group Airport and Task Group RT-PCR amid the COVID-19 pandemic.

“Locsin turned over said medical supplies to the Task Group Resource Management, Logistics, and Admin on 13 April 2021.”

Patuloy, anila, ang suporta ng Task Group Airport and Task Group RT-PCR sa national government para masigurong makakapag-undergo ng swab testing ang libu-libong returning overseas Filipinos (ROFs). Isa ito sa mga hakbang para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Image by Angel Locsin via Instagram

Naganap ang pamimigay ng disposal gloves ilang araw makaraang papurihan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang aktres matapos itong mag-donate ng P1-milyon sa lokal na pamahalaan para sa COVID-19 response nito.

Kinilala bilang Forbes Asia’s Hero of Philanthropy awardee, aktibo si Angel sa mga gawain para makalikom ng pondo para makabili ng medical equipment sa panahon ng pandemya.

Loading…