Anim na taong gulang na batang lalaki nahihirapan dahil sa sobrang katabaan

Imahe mula sa Facebook page ng KMJS
  • Isang anim na taong gulang na bata ang nangangarap na mabawasan ang kanyang timbang upang hindi na siya tuksuhin ng mga kapwa bata
  • Mahigit 70 kilos ang timbang ng batang si Arby
  • Maituturing si Arby na isang morbidly obese

Tampok sa Facebook page ng Kapuso Mo. Jessica Soho (KMJS) ang isang anim na taong gulang na batang lalaki na overweight. Mahigit 70 kilograms na umano ang timbang ng batang si Arby.

Imahe mula sa Facebook page ng KMJS

Ayon sa bata, nahihirapan na siya sa kanyang kalagayan. Mabigat daw ang kanyang mga kamay kaya  hindi na niya kayang itaas ang mga iyon. Hirap din siyang maligo  at magbihis mag-isa. Nagiging tampulan din daw siya ng tukso ng mga kapwa bata.

Pangarap niya na mabawasan ang timbang upang hindi na siya tuksuhin at upang makapaglaro na rin gaya ng ibang mga bata.

”Nahihirapan ako kasi mataba ako. Hindi ko maitaas ang mga kamay ko. Sobrang bigat niya. Hindi ko kayang maligo mag-isa. Pinapaliguan pa ako ni Mama. Siya rin ang nagbibihis sa akin. ‘Yung mga kalaro ko, tinatawag nila akong ‘Baboy! Baboy!’ Sobrang sakit po. Tao naman din po kasi ako eh. Hindi naman ako baboy. Gusto ko pong mabawasan ang aking timbang. Para hindi na po nila ako tuksuhin. Para po makapaglaro ako tulad ng ibang mga bata,” sabi ni Arby.

Imahe mula sa Facebook page ng KMJS

Ayon sa ina ni Arby na sa Babylene, tumitimbang ng 4 kilos si Arby nang isilang niya. Ikinatuwa raw niya na malusog ang supling, subalit habang lumalaon ay napansin niyang pabigat ng pabigat ang timbang ng anak hanggang halos hindi na niya ito makarga.

Nais raw niyang patingnan sa doktor si Arby, subalit wala silang pinansyal na kakayahan.

“Mama, hindi naman ako baboy, ‘di ba? Tao naman ako?”  ang palagi niyang naririnig na sumbong ng anak.

Bilang isang ina ay “nadudurog” ang puso ni Babylene  sa tuwing nagsusumbong ng ganito si Arby.

Ang hiling niya ay maipagamot ang anak.

Ayon kay Dr. Phoebe Grande mula sa Department of Health-Philippine Center for Specialized Health Care ang ideal body weight ng isang 6 years old na bata ay malalaman gamit ang pormulang (age in years x2) + 8.

Imahe mula sa Facebook page ng KMJS

 

Sa naturang pormula, lumalabas na 20 kilograms ang ideal body weight ni Arby. Sobra ng mahigit 50 kilos ang timbang niya kaya maituturing siyang morbidly obese.

Ang isang tao ay itinuturing na morbidly obese kapag ang timbang niya ay mahigit 100 pounds o 45.36 kilograms kaysa sa kanyang ideal body weight.

Source :

Facebook

Loading…