Ano ba talaga? Sapatos na may disenyong paa, trending online

  • Trending sa social media ang kakaibang disenyo ng isang sapatos
  • Paa kasi ng tao ang disenyo na mapapa-second look ka talaga kapag sout na
  • Magkahalo naman ang emosyon ng mga netizen sa sapatos na may kakaibang disenyo

Sa panahong kanya-kanyang gimik ang bawat isa para mapansin, nauuso rin ang iba’t ibang pormang bunga ng pagkamalikhain at pagiging makulit ng isip. Mula sa mga kakaibang disenyo ng damit, kakaibang ayos ng buhok, hanggang agaw-pansing saplot sa paa.

Kabilang dito ang isang produktong trending online. Magkahalong aliw, pagkalito, at pagkabahala ang nadarama ng iba sa isang sapatos na may kakaibang disenyo.

Larawang nire-upload ng Facebook page na Moto Pau

Ibinahagi at nire-upload ng Facebook page ang mga larawan ng bagong disenyo ng sapatos. May sintas man, pero kuhang-kuha ng kakaibang sapatos na ito ang mga ordinaryong paa. Kailangan munang doblehin ang tingin para masigurong sapatos nga ito at hindi paa.

Nagdudulot ito ng kalituhan sa mga tumitingin. Tunay na tunay kasi ang hitsura nito na mayroon ding mga daliri at kuko. Pati ag kulay ng paa ay makatotohanan din. Biro pa nga ng uploader, kahit ang mga traffic enforcer ay malilito kung nagmamaneho ka ba ng nakapaa o may sapatos ba.

Dahil sa kakaibang disenyo, agad na nag-trending sa Facebook ang sapatos. Una itong ibinahagi sa Twitter ng isang Japanese account. Ngunit ang pagre-post na ginawa ng page na Moto Pau ang siyang nag-trending sa Facebook.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang 26,000 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 7,400 comments, at 103,000 shares. Marami sa kanila ang nagtatanong kung saan daw nakabibili ng sapatos na ito.

“Saan kaya nakakabili nito? Literal na “minimalist” eh. Yung akala mong nakapaa ka, pero may sapatos naman pala. Ang galing!” hayag ng isang netizen.

Larawang nire-upload ng Facebook page na Moto Pau

Gayunman, kung mayroong mga natuwa at naaliw, mayroon din namang nangamba sa disenyo.

Ayon sa kanila, parang nakakatak0t naman itong bilhin dahil daw pag inilagay mo ito sa shoe rack o kahit saan sa bahay at nakita mo sa gabi, baka raw ay mapatakbo ka sa takot.

“Wag iwan sa labas ng bahay ito pag gabi! Jusmio, baka himatayin tayo niyan,” saad ng isang netizen.

Loading…