Apat na QC residents na pumila sa community pantry ni Angel Locsin nagpositibo sa COVID-19

Imahe mula sa Radyo Pilipinas
  • Apat na residente ng Quezon  City na pumila sa community pantry ni Angel Locsin ang nagpositibo sa COVID-19
  • Isa sa kanila ng nagpakita ng sintomas samantalang ang tatlo ay asymptomatic
  • Isang netizen ang nakiusap sa mga organizers ng community pantry na itigil na iyon kung hindi kayang gawing maayos at istriktong maipatupad ang health protocols

Isa sa mga taong pumila sa community pantry na inilunsad ng aktres na si Angel Locsin bilang bahagi ng kanyang birthday celebration ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19 infection. Tatlo naman ang positibo subalit asymptomatic o hindi nakikitaan ng anumang sintomas.

Screenshot ng press release ng Quezon City Government

Natuklasan ito matapos nilang sumailalim sa swab test na libreng inalok ng Quezon City government kasunod ng kontrobersyal na “birthday pantry.”

“The average incubation period for Covid-19 is approximately five days. So we call on everyone who went to last Friday’s gathering, please report to us and have yourself tested. If there was a transmission and you were exposed, you may observe some symptoms manifesting starting today,” sabi ni Dr. Rolando Cruz, ang hepe ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Ang isa sa mga nagpa-swab test ay nakaranas ng pagkahilo, pagkawala ng pang-amoy at panlasa.

Ayon kay Dr. Cruz, as of April 27, ay apat pa lang sa mga taong pumila sa naturang community pantry ang sumailalim sa libreng swab test.

Wala umanong datos ang city government sa mga taong nagtungo sa community pantry ni Angel Locsin na inilunsad para sa kanyang ika-36 na kaarawan.

Imahe mula sa Reprotr

Nakiusap naman ang isang netizen sa mga organizers ng mga community pantries na kung hindi kayang ma-manage na maging maayos at istriktong maipatupad ang health protocols ay itigil na ang mga iyon.

“Please lang, tigilan na po ‘yang community pantry kung ‘di n’yo kayang i-manage nang maayos at ‘di n’yo ma-enforce strictly ang health protocol. Makipag-ugnayan na lang kayo sa mga bara-barangay to determine kung sinu-sino talaga ang mga nangangailangan at i-diretso na sa kanila tulad ng ginagawa quietly ng marami sa atin. Hindi kailangang makiuso o makipagpasikatan,” aniya.

Imahe mula sa PNA

Apela ng naturang netizen, huwag na nating hintayin na malagay pa ang bansa sa sitwasyon ng India bago tayo matauhan.

Source :

Facebook, PNA, PTN

Loading…