Atty. Gadon, hinamon si Sec. Duque na ibaba ang presyo ng overpriced na remdesivir

Imahe mula sa SMNI
  • Planong kasuhan ni Atty. Gadon, Rep, Mike Fedensor at Rep. Rodante Marcoleta ang mga pagamutang nag-o-overprice sa remdesivir
  • Hinamon nila si Sec. Duque na magpatupad ng price control sa remdesivir
  • Ipinahayag ng WHO noong nakaraang taon na hindi epektibo ang remdisivir kontra sa COVID-19

Naghahanda si Atty Larry Gadon kasama sina Anakkalusugan Partylist Representative Mike Defensor at 1SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta na magsampa ng kaso laban sa mga ospital na nag-o-overprice ng remdesivir para sa COVID-19 patients.

Screenshot ng Zoom meeting

Batay sa mga natanggap nilang sumbong mula sa mga pasyente, ang singil sa kanila ng mga pagamutan sa bawat turok ng remdesivir ay nasa pagitan ng P9,000 hanggang P27,000 samantalang ang orihinal na retail price nito mula sa India ay nasa pagitan ng 1,950 at P3,500 depende sa brand.

Sabi ni Atty. Gadon, nasa P600 lang ang presyo ng naturang gamot kung wholesale ang bilihan.

Habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso, hinamon ni Atty. Gadon si Department of Health Secretary Francisco Duque na ibaba ang presyo ng remdesivir kung hindi ipatitigil ang pagbibigay nito sa mga pasyente.

Ayon kay Atty. Gadon at sa dalawang mambabatas, ipinatitigil ng World Health Organization (WHO) ang pagbibigay ng remdesivir dahil hindi umano iyon nakatutulong sa COVID-91 patients.

“Eh, ‘yung itigil  na ang paggamit  ng gamot na ‘yan. Sapagkat according to WHO at according to several studies, ‘yang remdesivir ay hindi naman effective na gamot laban sa COVID. So, talagang nakapagtataka na pilit nilang itinutulak ‘yan sa napakalaking presyo. Ito ay talagang pananamantala na. Meron talagang nakikinabang dito at nagkakamal ng pera,” sabi ng popular na bogado.

Ganito ang sinabi ng WHO noong November 2020 tungkol sa remdesivir:

Imahe mula sa Manila PIO

“A conditional recommendation is issued when the evidence around the benefits and risks of an intervention are less certain. In this case, there is a conditional recommendation against the use of Remdesivir. This means that there isn’t enough evidence to support its use.”

Hamon ni Atty. Gadon kay Sec. Duque, kung talagang kumbinsido ang kalihim na epektibo ang remdesivir ay dapat daw magpatupad ng price control dito.

“If Secretary Duque is truly convinced Remdesivir is effective against the virus, I dare him to recommend to President Duterte the imposition of price control on this solution,” ani Gadon.

Loading…