Ayaw nang bumalik sa paghihirap, Vice Ganda kailangang kumita kahit may ipon

Image by Vice Ganda via Instagram
  • Vice Ganda, masayang masaya makaraang umabot sa 5-million ang kanyang subscribers sa YouTube
  • Sabi ni Vice, kailangan niyang kumita dahil ayaw na niyang bumalik sa paghihirap
  • Saad niya, “Kahit may ipon naman ako kailangan ko kumita kasi mauubos yung ipon ko”

Labis-labis ngayon ang kasiyahang nadarama ng Unkabogable Star na si Vice Ganda makaraang umabot na sa higit 5-million ang subscribers ng kanyang YouTube channel.

“I was just super happy the moment it became five million. Kahit nung two million, three million, yung pag may milestone siya na ganun ang saya saya pero it was a bigger celebration kasi lagi siyang nangyayari pag may mahalagang date katulad nitong nag-five million siya nung birthday ko so double celebration,” aniya sa media launch ng isang medical product.

Image by Vice Ganda via Instagram

Aniya, ang pagkakaroon ng maraming subscribers online ang isa sa kanyang sukatan kung gaano pa karami ang interesado sa kanya. Pag-amin din niya, mas maraming followers ay mas kikita ang kanyang channel.

Pagpapatuloy niya, mayroon naman daw siyang ipon pero kailangang kumita para hindi na bumalik sa paghihirap.

“Kahit may ipon naman ako kailangan ko kumita kasi mauubos ‘yung ipon ko. Ayoko na bumalik sa paghihirap hello nanggaling na ako dun. At nagbabad na ako dun nang bongga.

“So ngayon nasa ganito akong posisyon, hindi ko puwedeng pabayaan yung kung anong meron ako, kailangan ko pangalagaan yung estado ng buhay ko. Kailangan ko pa rin kumita.”

Pahayag pa ni Vice, nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay inabisuhan sila ng management na mag-reach out sa kanilang audience at ang pagkakaroon ng online show ang nakita niyang paraan para magawa ito.

“So the only way na patok nung panahon na yun is yung mga online shows. So kailangan mo siyang pasukin so pinasok ko yung YouTube. Tapos nung lumalaki yung following nakakatuwa kasi nga dun ko na-ri-realize na ay marami pa ring may interes sa akin,” saad niya.

Image by Vice Ganda via Instagram

Masasabi pa umanong masuwerte siya yamang nagagawa niya ang kanyang ‘purpose’ bilang isang entertainer kahit sa mga mapanghamong panahon kagaya ngayon.

“Maraming salamat sa mga subscribers ko dahil hinahayaan n’yo akong patawanin pa rin kayo, aliwin kayo sa ganitong panahon, at the same time nagkakaroon rin ako ng extrang hanapbuhay.”

Image by Vice Ganda via Instagram

Loading…