Baby elepante na nahulog sa balong malalim, tagumpay na nailigtas

Screenshot mula sa GMA video
  • Baby elepante nahulog sa balon na may lalim na labinlimang talampakan
  • Tagumpay na na-rescue ang baby elephant gamit ang back hoe
  • Ang 50%-60% ng mga wild elephants sa buong Asya ay sa India matatagpuan

Isang munting elepante ang nahulog sa isang abandonadong balon sa Mayurbhanj district ng Odisha sa India ang tagumpay na nailigtas gamit ang back hoe.

Screenshot mula sa video ng ANI

Sinabi ng Range Officer ng Deuli Forest Range na si Rabi Narayan Mohanty na nahulog umano sa balon ang baby elephant habang  gumagala ito sa lugar noong Biyernes ng gabi, ika-9 ng Abril. Tinatayang nasa labinlimang talampakan ang lalim ng nasabing balon.

“The calf fell into the well while it was roaming in the area on Friday night,” pahayag ng range officer sa isang panayam.

Agad naman umano silang naabisuhan kaya sa tulong ng local fire department ay sinagip nila ang munting elepante.

“We were informed of the movement of the elephant and we immediately rushed to the spot and rescued with the help of the local fire department,” wika ni Mohanty.

Sinaksihan ng maraming residente sa lugar ang rescue operation.  Gumamit ng back hoe ang mga rescuers upang palakihin ang butas ng balon.

Screenshot mula sa video ng ANI

Makikita sa video na ibinahagi sa social media na itinali ang elepante upang mahila ito ng back hoe pataas mula sa malalim na balon.

Ang mga pangyayaring ganito ay napapadalas na dahil lumiliit na ang ginagalawan ng mga elepante sanhi ng pagkasira ng kanilang natural habitat. Napipilitan na silang maghanap ng makakain malapit sa tirahan ng mga tao.

Tinatayang mahigit isang milyon ang populasyon ng mga wild elephants sa India noong mga nagdaang siglo, subalit ngayon ay nasa 32,900 na lang.

Mayroon namang mga tinatayang 3,500 captive elephants na pag-aari ng mga pribadong indibidwal, ng mga templo, forest departments, zoo at mga circus.

Ang 50%-60% ng mga wild elephants sa buong Asya ay sa India matatagpuan.

Imahe mula sa India Times

Loading…