Badoy itinangging pinagsabihan siya na ‘wag nang magsalita: “I don’t recall having a gag order

Imahe mula sa GMA News
  • Itinanggi ni Badoy na nakatanggap siya ng gag order mula kay Esperon
  • Ganun pa man, nasabi na niya umano ang nais niyang iparating sa mga Pilipino
  • Noong Linggo ay kinumpirma ni Esperon na naglabas na siya ng gag order para kina Badoy at Parlade

Itinanggi ni NTF-ELCAC spokesperson at Communications Undersecretary Lorraine Badoy na nakatanggap siya ng order mula kay National Security Adviser Hermogenes Esperon na huwag nang maglabas ng pahayag o komento tungkol sa community pantry.

“I asked Secretary Esperon if it’s true. I don’t recall having a gag order,” ani Badoy sa panayam ng GMA News.

Usec. Badoy| Imahe mula sa PNA

Nitong Linggo, Abril 25, nang kumpirmahin ni Esperon sa text message sa mga mamamahayag na naglabas na siya ng gag order para kina Badoy at isa pang spokesperson ng NTF-ELCAC na si Lt. Gen Antonio Parlade.

“Yes, I did if only to emphasize that NTF-ELCAC or Gen. Parlade or Usec. Badoy are not against bayanihan or community pantries… Lest it be misunderstood, they will desist from making statements on community pantries. And NTF- ELCAC will support, observe and assist CPs, as does the whole of government,” ayon kay Esperon.

Kapwa inakusahan ng red-tagging sina Parlade at Badoy dahil sa pag-uugnay sa mga nasa likod ng community pantry, partikular na si Ana Patricia Non, sa makakaliwang grupo.

Image by Hermogenes Esperon Jr. via Facebook

Dismayado naman ang ilang senador sa ginawang ito ng dalawang opisyal at nanawagan pa ang mga mambabatas na tanggalan na ng pondo ang NTF-ELCAC.

Subalit nanindigan si Parlade na tungkulin ito ng kanilang ahensiya at tinawag pang ‘stupid’ ang mga senador na nais i-defund ang NTF-ELCAC.

Matapos ang kumpirmasyon ni Esperon sa gag order noong Linggo, hindi na naglabas pa ng dagdag na pahayag sa publiko sina Parlade at Badoy.

Lt. Gen. Parlade| Imahe mula sa CNN PH

Ganun pa man, sa parte ni Badoy, nasabi na umano niya ang nais niyang maiparating sa mga Pilipino tungkol sa community pantry.

“We already made our point across. We already informed the Filipino people what we wanted so we could move forward na,” wika pa ng Communications Undersecretary.

Loading…