Bagong pang-surpresa: Move over money cake, hello money balloon!

  • Trending ngayon sa social media ang bagong pang-surpresa sa may kaarawan
  • Imbes kasi money cake, money balloon ang natanggap ng isang netizen
  • Tiyak ng marami, ito na ang bagong mauusong pang-regalo sa tuwing may kaarawan ngayong taon

Marami na ang nasurpresa ng isa sa mga sumikat na paandar noong 2019 na money cake. Kung noon ay tradisyonal na cake lamang mula sa mga sikat na cake house at mga customized cake ang pinagkakaguluhan, ngayon, patok sa regalo sa may mga kaarawan ang money cake.

Sino nga ba naman ang hindi mag-eenjoy na hilahin ang nakapaloob na pera sa cake? May matamis ka nang panghimagas at handa, mayroon ka pang cash na karaniwan ay libo-libo para talaga namang buo ang surprise.

Larawan mula sa TikTok video ni Aya Guillen

Ngunit mukhang dumating na ang panahon para malimot ang money cake. Trending kasi sa social media ang kakaibang surpresa sa isang may kaarawan. Sa halip kasi na sa cake nakalagay ang regalong pera, nakakabit ito sa isang lobo.

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ng netizen na si Aya Guillen sa kanyang TikTok account. Iniabot kasi sa kanya ang isang regalo. Sa unang tingin, akala mo ay normal na kahon lamang ito na mayroong lobong nakapatong.

Ngunit nang tanggalin ni Aya ang lasong nakakabit sa lobo, lumipad ito at nasa buntot nito ang libong pisong nakahilera, tulad rin ng perang hinihila sa mga money cake. Paglipad ng lobo at paglabas ng pera, hindi napigilan ni Aya na mapalundag sa tuwa.

Ang birthday girl na nakakuha ng libong piso, milyonarya din sa social media dahil sa surpresa dahil habang isinusulat ang istoryang ito ay mayroon nang halos 4 million views ang video at may halos kalahating milyong likes.

Larawan mula sa TikTok video ni Aya Guillen

Dahil dito, maraming netizens ang nakakuha ng bagong ideya kung paano isusurpresa ang mga mahal sa buhay na may kaarawan. Mas madali nga raw itong gawin kaysa money cake dahil kahit sino ay kaya itong likhain.

Gayunman, sabi ng ilan, pang-indoor lang daw ang surprise na ito dahil baka liparin ang lobo hanggang kung saan ang pera kung nasa labas. Pahayag naman ilan, hindi pa nga raw sila nakatatanggap ng money cake, may bagong uso na namang money balloon.

Panoorin ang kakaibang surprise para kay Aya sa ibaba:

@ayaguillenHapi beldey to me???

? Beautiful World – Radio Edit – Blasterjaxx & DBSTF

Source :

TikTok, TikTok Ph

Loading…