Barangay chairman sa Tarlac nangharang sa checkpoint ng food delivery riders dahil ‘di raw exempted sa curfew

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng part-time foodpanda delivery rider via Facebook
  • Barangay chairman sa Tarlac hindi pinalampas sa checkpoint ang mga food delivery riders
  • Sinabi ng kapitan ng Barangay Sto. Cristo na hindi raw exempted sa curfew ang mga food delivery riders
  • Kaugnay ng pangyayari, naglabas ng pahayag ang alkalde ng Tarlac City na si Mayor Cristy Angeles na exempted sa curfew hours ang mga food delivery service employees

Hindi pa man gaanong humuhupa ang kontrobersya  sa nangyaring insidente sa Bulacan na may kinalaman sa lugaw, isa na namang barangay official ang nangharang ng food delivery rider sa isang checkpoint sa Tarlac.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng part-time foodpanda delivery rider via Facebook

Sa isang video na ipinost ng isang Foodpanda delivery rider, makikita ang isang lalaki, kasama ng ilang pulis, na nagsabing hindi exempted sa curfew ang mga food delivery riders. Napag-alaman na ang lalaki ay ang chairman ng Barangay Sto. Cristo sa Tarlac City.

“Kaya sabi ko hindi kayo exempted sa curfew. Kasama kayo sa curfew,” sabi ng barangay chairman.

Makikita sa video na maging ang isang police officer na kasama ng kapitan ng barangay ay tila sumang-ayon sa sinasabi ni kapitan.

Batay sa pangangatwiran ng barangay chairman ay hindi rin nito kinilala ang awtoridad ni Secretary Harry Roque bilang tagapagsalita ng Pangulo.

Isa sa mga delivery riders ang nagpaliwanag na pinapayagan 24/7 ang mga delivery riders batay sa pahayag ni Sec. Roque.

“Si Secretary Harry Roque po, nag-declare po siya…ang food delivery po 24/7 po siya,” sabi ng delivery rider.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng part-time foodpanda delivery rider via Facebook

Sinagot ito ng kapitan na kahit nagdeklara si Sec. Roque, masusunod pa rin umano ang direktiba ng LGU o ng mayor.

Dahil sa ginawa ng kapitan ay inulan ito ng mga pambabatikos mula sa mga netizens.

Kaugnay ng pangyayari, naglabas ng pahayag ang alkalde ng Tarlac City na si Mayor Cristy Angeles na exempted sa curfew hours ang mga food delivery service employees.

Screenshot ng Facebook post ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles

Loading…