Bida ang una, bida ang saya: Silipin ang ID ng kauna-unahang empleyado ng unang Jollibee branch

  • Trending sa social media ang unang employee ID ng sikat na fast food restaurant sa bansa na Jollibee
  • Masaya ang netizens na makilala ang unang empleyado ng minamahal nilang kainan simula pagkabata
  • Dahil sa larawan, binalikan ng ilang nakatrabaho ang alaala nila kasama ang unang empleyado ng Jollibee

Hindi naman maitatanggi na ang pinakasikat na kainan sa bansa ay ang fast food restaurant na Jollibee. Mapabata o matanda ay talaga namang hinahanap-hanap ang kanilang mga pagkaing tulad ng Chicken Joy, Jolly Spaghetti, at Jolly Crispy Fries.

Dahil sa tagumpay, hindi na lamang sa Pilipinas matitikman ang mga pagkaing handa ng pinakasikat na bubuyog sa Pilipinas, kung hind imaging sa iba’t ibang panig na rin ng daigdig.

Larawang nire-upload ng Facebook page na Filipinas

Pero sabi nga nila, wala nang mas sasaya pang balikan ang mga simple at unang araw ng isang negosyo. Ito ang dahilan kung bakit trending sa social media ang larawang nire-upload ng Facebook page na Filipinas kung saan makikita ang kauna-unahang ID ng unang empleyado ng unang branch ng Jollibee sa Cubao.

Kita sa larawan ang ID ni Primo P. Bangero na mayroong employee number na 75-0001 na nangangahulugang unang empleyado noong taong 1975, ang taon kung kailan nagsimula ng negosyo ang engineering graduate na si Tony Tan Caktiong.

“Here is the work ID of Primo P. Bangero. He was the first employee of Jollibee in Cubao, Quezon City, in front of Coronet Theater in 1975,” caption ng Filipinas page sa kanilang upload na sa kasalukuyan ay mayroon nang 16,000 reactions, 200 comments, at 1, 100 shares.

Isang netizen namang nagngangalang Gregg R. Apolonio Jr. ang nagsabi na nakatrabaho niya si Mang Primo na nasa ID. Kuya Prime daw ang tawag nila rito at talaga naman daw mabait ito, masipag, at talagang bagay sa kanya ang pangalan niyang “Primo” o “Prime.”

Larawan mula sa Jollibee Facebook page

“It was a pleasure meeting and knowing Kuya Prime (as fondly called). He is already in Jollibee Hildalgo, I’m already Crew then at Jollibee SM Cubao. Very “Kuya”, soft spoken, napakasipag, and deserving to be the #1 Employee of Jollibee! Tamang tama sa name niyang PRIMO o PRIME,” pahayag ng netizen.

Paglilinaw naman ng page, maaari daw na hindi pa Jollibee ang negosyo ni Tan Caktiong ay empleyado na nito si Mang Primo. Matatandaan kasing nag-umpisa ang Jollibee bilang isang ice cream parlor bago naging isang restawran.

Source :

Facebook, Esquire

Loading…