Biro ng lola ni Hipon Girl sa regalong Gucci ni Alex Gonzaga na halagang P250K: “Sana pinera mo na lamang”

  • Inaliw ng lola ni Hipon Girl ang maraming netizens dahil sa hirit nito kay Alex Gonzaga
  • Sana raw ay pinera na lamang ni Alex ang regalong Gucci products sa apo na nagkakahalaga ng P250,000
  • Ayon kay lola, sa halagang ito ay maipagagawa na nila ang kanilang bahay

Trending sa social media ang vlog collaboration ng dalawang sikat na personalidad mula sa Rizal na sina Alex Gonzaga at Herlene Budol na mas kilala bilang Hipon Girl. Marami ang talaga namang tawang-tawa sa kakulitan ng dalawa.

Nakadagdag sa saya ng fans ng dalawang online at TV personalities ang pagbili ni Alex ng Gucci bag at shoes kay Hipon na nagkakahalaga ng P250,000. Sa vlog nga, hindi pa naiwasan ni Hipon na maiyak sa regalong ito.

Larawan mula sa YouTube video ni Hrlene Budol Hipon Girl

Sa isang video naman ni Hipon, matapos ang vlog ni Alex, ay nagkaroon na ng unboxing ang Wowowin host sa mga regalong natanggap. First time daw talaga ni Hipon na makatanggap ng ganitong mamahaling regalo kaya sobra ang tuwa niya.

Ngunit ang masasabing naging highlight ng video ni Herlene ay ang pabirong mensahe ng lola nito kay Alex. Sa bandang huli kasi ng vlog, tinanong ni Hipon ang kanyang lola kung anong masasabi nito dahil niregaluhan siya ni Alex ng bag at sapatos na nagkakahalaga ng P250,000.

“Tanungin natin si Nanay kung anong masasabi niya… ‘Nay, binilhan ako ni Alex Gonzaga ng bag at sapatos worth P250,000,” pahayag ni Hipon.

Tila nagulat naman ang lola ni Hipon sa presyo at ipinahayag na sana ay pinera na lamang ni Alex ang regalo kay Hipon upang maipagawa ang kanilang bahay.

“Ano??? Two hundred fifty thousand??? Alex, sana pinera mo na lamang para napagawa namin ang bahay,” sambit ng matanda.

Larawan mula sa YouTube video ni Harlene Budol Hipon Girl

Hindi naman napigilan ni Hipon at mga kasama sa bahay na matawa sa pahayag ng kanyang lola.

Biro ni Hipon, panira daw ng vlog ang kanyang lola dahil inaasahan niya ang isang mensahe ng pasasalamat mula rito ngunit humirit pa ito kay Alex.

Habang isinusulat ang istoryang ito ay wala pang isang araw na naka-upload sa YouTube ang video ni Hipon ngunit may halos isang milyong views na ito.

Panoorin ang unboxing at ang pahayag ni lola sa vlog na ito ni Hipon:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…