Breeder sa Bulacan may mga alagang kuneho na gahigante ang laki

Imahe mula sa Facebook account ni Kenneth Buenaventura
  • Mga gahiganteng kuneho ibinida ng isang rabbit breeder sa San Ildefonso, Bulacan
  • Marami ang nagkainteres  na bumili ng mga kuneho matapos i-post ng may-ari sa Facebook ang larawan ng malalaking kuneho
  • Sa mga alaga niyang rabbit, anim ang maituturing na gahigante ang laki na itinuturing niyang pets at hindi ipinagbibili

Nagulat ang mga netizens nang i-post ng isang rabbit breeder sa social media ang ilang larawan ng mga kuneho na inaalagaan niya dahil sa laki ng mga iyon. Gahigante kasi ang laki ng mga rabbit.

Imahe mula sa Facebook account ni Kenneth Buenaventura

Nilinaw ng may-ari na si Kenneth Buenaventura ng San Ildefonso, Bulacan na hindi edited ang mga larawan. Talagang malalaki lang ang lahi ng mga naturang kuneho. Mayroon din naman siyang alagang rabbit na maliliit.

Mula raw nang i-post niya ang mga larawan ay marami na raw ang nag-inquire kung paano makakabili sa kanya ng mga kuneho.

Kwento ni Kenneth sa Kapuso Mo, Jessica Soho, noong October 2020 lang siya nagsimulang mag-alaga ng mga rabbit. Aniya, noong una ay mga manok na panabong ang inaalagaan ngunit naging matumal ang bentahan niyon dahil sa pandemya.

Nabili raw niya sa kaibigan ang dalawang breeder sa halagang P15,000.

Sa mga alaga niya ay anim ang maituturing na “higante”. Pinangalanan niya ang mga ito ng Dizzy, Hoppy, Bella, Spanky, Whity at ang pinakapaborito niyang si Garry.

Imahe mula sa Facebook account ni Kenneth Buenaventura

Inihalintulad niya ang ugali ni Garry sa mga aso na malambing. Aniya, agad umanong lumalapit si Garry kapag ito ay tinatawag.

Nilinaw ni Kenneth na ang anim na giant bunnies ay hindi ipinagbibili. Itinuturing daw nila ang mga iyon bilang pets.

Biro ni Kenneth, minsan daw ay pinagseselosan na ng kanyang misis ang pag-aalaga niya sa mga kuneho.

Screenshot mula sa KMJS video

Simula nang kumalat ang African swine fever sa bansa na naapekto sa supply ng mga baboy ay naging popular ang rabbit meat bilang alternatibo sa pork.

Ayon sa nutritionist/dietician na si Jake Brandon Andal, mas kakaunti ang taglay na taba at kolesterol ng karne ng rabbit kumpara sa mga karne ng baboy, manok at baka. Mataas din umano ang taglay  na bitamina at mineral ng karne ng kuneho.

Panoorin sa KMJS ang mga giant bunnies:

<iframe width=”640″ height=”360″ src=”https://www.youtube.com/embed/D2rnVnN0I_0″ title=”YouTube video player” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>

 

 

Source :

Facebook, YouTube

Loading…