Camille Prats ibinahagi ang kaniyang fitness journey

Imahe mula sa Instagram | Camille Prats
  • Nagbahagi si Camille Prats ng ilang workout routine na kaniyang ginagawa
  • Marami ang nakapapansin ng kaniyang pagpayat kaya nagpasalamat siya sa mga mensaheng natatanggap
  • Noon ay ibinahagi ni Camille na naging conscious siya sa kaniyang timbang dahil sa standards sa show business

Ipinasilip ng aktres na si Camille Prats ang ginagawang workout routine na nakatulong upang siya ay maging fit and healthy.

Imahe mula sa Instagram | Camille Prats

Sa kaniyang post sa Instagram ay ipinakita ni Camille ang pag-eehersisyo kasama ang asawang si VJ Yambao. “Been getting a lot of comments and DMs asking me about my fitness journey and I am overwhelmed with kilig,” aniya.

Makikita sa video ang ilan sa mga routine na kaniyang ginagawa kabilang na ang squats, burpees, at pushups.

“Sharing with you a workout sesh @vjyambao1 and I did a couple of days back,” saad niya pa sa caption.

Marami ang nagkokomento sa pagpayat ni Camille tuwing nagbabahagi siya ng larawan sa Instagram kaya nagpasalamat siya sa mga mensaheng kaniyang natatanggap. “Thank you for your kind and inspiring messages,” sabi niya.

Noong 2019 ay inamin ni Camille na dahil nasa industriya ng show business ay naging conscious siya sa kaniyang katawan.”During my teenage years, if they think you’re not thin enough, you don’t get the role. Harsh ‘noh?… I used to be super conscious with what I wear… I was super conscious of what others might say about my body,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Instagram | Camille Prats

[RELATED: Camille Prats sa body positivity: ‘Be comfortable in your own body’]

Ngunit ngayong may tatlo nang anak ay natanggap na raw niya ang mga pagbabago sa kaniyang katawan.

“So where am I getting at? Wear that dress you’ve been wanting to wear but has been hesitating to because of what others might say, dress up for yourself not for others,” pahayag niya sa lumang post.

“Start working out and eating right because you want to be healthy, not because you want to look good for others. Do things for you, life is too short to think about what others may say. Be comfortable in your own body even when others make you feel otherwise.”

Ibinahagi niya rin ang kaniyang YouTube channel kung saan niya ibabahagi ang kaniyang fitness journey.

Loading…