Cassy Legaspi-Joaquin Domagoso love team, aprub kay Zoren: “In fairness napapa-smile ako”

Images by Cassy Legaspi and JD Domagoso via Instagram
  • Love team nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso, aprubado kina Zoren at Carmina
  • Ani Zoren, may chemistry sina Cassy at Joaquin: “In fairness napapa-smile ako”
  • Positibo rin ang tugon ng mga manonood sa acting prowess ni Cassy

Aprubado sa mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ang love team ng kanilang unica hija na si Cassy Legaspi kay Joaquin Domagoso sa romantic comedy series ng GMA na First Yaya. Ito ay ayon sa dalagang aktres.

Image by JD Domagoso via Instagram

Saad ni Cassy, sa una raw ay hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang sa proyekto yamang lock-in taping ang set-up pero worth-it ang pagpayag ng mga ito nang makita siyang masaya sa kanyang ginagawa.

“They always congratulate me na, ‘Ang galing! Good job!’ So, ako naman parang okay got the approval of Ms. Carmina Villarroel and I got the approval of Sir Zoren Legaspi so okay na ako.”

Ayon naman kay Zoren, talagang sinusubaybayan nila ang palabas at nagbibigay pa sila ng mga pointers sa anak tungkol sa pag-arte. Pag-amin nito, pati siya man din ay kinikilig sa mga eksena ng anak kasama si Joaquin.

Aniya, “May chemistry sila, in fairness. To think pareho silang newcomer pero nung pinapanood ko ‘yung mga school scenes nila, in fairness napapa-smile ako,” aniya.

Image by Zoren Legaspi via IG

Ginagampanan ni Cassy sa GMA series ang papel ni Nina Acosta, ang pinakamatanda sa mga anak ni President Glenn Acosta na ginagampanan ni Gabby Concepcion. Positibo rin ang tugon ng mga manonood at palaging nasa top trending topic sa Twitter ang young star habang umeere ang serye.

Ito man ang kauna-unahan niyang sumabak sa aktingan, marami na kaagad ang pumupuri sa acting prowess ng aktres.

“Nakakakilig po and ayun nga I’m always trending din sa Twitter which is so weird and so cool. Every weeknight nagte-trend and ayun nakaka-overwhelm pero at the same time, I’m so motivated to go back to work hopefully soon,” ang wika ni Cassy.

Image by Cassy Legaspi via Instagram
Source :

GMA News, Bandera

Loading…