Chinese vessels nakakalat na sa West Philippine Sea

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN News
  • Nakakalat na sa iba’t-ibang bahagi ng WPS ang mga barko ng China
  • Lumipat ang iba sa kabila ng Julian Felipe Reef subalit marami na rin ang nakapuwesto sa iba pang mga reefs
  • Binalaan din umano ng China ang PH Navy na nagpatrulya sa lugar kamakailan

Makaraan ang ilang linggo, hindi lang sa Julian Felipe Reef nakahimpil ang mga sasakyang pandagat ng China at sa halip ay nakakalat na ito sa iba’t-ibang bahagi ng West Philippine Sea na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa ginawang pagpapatrulya ng Philippine Navy kamakailan, nadiskubre na lumipat lang ang ilang Chinese vessel sa kabila ng Julian Felipe Reef na sa pagtataya ng National Task Force on the West Philippine Sea ay nasa 44 ang bilang.

Julian Felipe Reef| Imahe mula sa ABS-CBN News

Magugunitang noong nakaraang linggo ay sinabi ng AFP na nasa 220 ang bilang ng nakahimpil na Chinese vessel sa Julian Felipe Reef na ayon naman sa China ay sumisilong lamang daw dahil sa sama ng panahon.

Subalit nang dumako ang Navy patrol sa ibang bahagi ng WPS, natuklasan na nakakalat na pala ang iba pang barko ng China sa Kennan Reef, Panganiban Reef, Kagitingan Reef at Zamora Reef.

Ang mga islang nabanggit ay pawang bahagi ng Kalayaan Group na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Imahe mula sa PCOO

“Their build-up and massing formation from Julian Felipe Reef to other areas of the Kalayaan Island Group is hazardous to navigation and safety of life at sea,” ayon sa pahayag ng task force.

“They may be doing illicit activities at night and their lingering (swarming) presence may cause irreparable damage to the marine environment due to marine pollution and destruction of coral reefs. Their swarming also poses a threat to the peaceful exercise of sovereign rights of the Philippines in its EEZ,” dagdag na pahayag nito.

Sinubukan pang warningan ng China ang Philippine Navy habang nagpapatrulya subalit hindi naman umano nagpatinag ang mga Pinoy at igiiniit na sakop ng Pilipinas ang lugar na kanilang nililibot.

Imahe mula sa PIA

Samantala, iginiit ni Department of Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na nananatiling sakop ng bansa ang mga islang nasa EEZ nito kahit pa may mga nakatayo nang Chinese structures doon.

“[The area is] within our EEZ so it’s ours. The durability and vintage of the structures don’t matter. Ours,” pahayag ng kalihim sa kaniyang Twitter.

Sa naunang pahayag, tiniyak ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nakahanda silang ipagtanggol ang ating ‘national sovereignty’ at protektahan ang yamang-dagat sa lugar kaya lalo pang paiigtingin ang pagpapatrolya ng Coast Guard.

Ito ay sa kabila ng desisyon ng Navy na ‘wag magpadala ng barkong pandigma ang Pilipinas sa lugar upang hindi na lumala ang sitwasyon doon.

Loading…