CHR nanawagan sa gobyerno na isama ang mga bilanggo sa priority list ng COVID vaccination

Imahe mula sa Human Rights Watch
  • Nanawagan ang CHR na isali sa priority list ng vaccination drive ang mga PDLs
  • Obilgasyoon umano ng bawat pamahalaan na magbigay ng bakuna sa mga ‘high risk’ na grupo kabilang na ang mga PDLs
  • Pinaalalahanan din ng ahensiya ang pamahalaan na ang karapatan sa kalusugan ay karapatan din ng bawat PDL na kinikilala sa buong mundo

Nananawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na isali ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa priority list ng mga tatanggap ng COVID-19 vaccine.

Sa pahayag na inilabas ng CHR, ito ay alinsunod umano sa rekomendasyon ng UN Committee on Economic, Social and Cultural Rights sa bawat pamahalaan ay may obligasyon na magbigay ng bakuna sa mga grupong itinuturing na ‘high risk’ tulad ng mga nasa piitan.

Imahe mula sa Human Rights Watch

“The CHR has pointed out before that prison conditions make PDLs particularly vulnerable in facing this pandemic with the spread of the virus caused by overcrowding; unsatisfactory healthcare services in prisons; and higher rates of pre-existing medical conditions among prison populations, especially the elderly inmates,” ayon sa pahayag ng komisyon.

Bagama’t kinikilala naman umano ng CHR ang hakbang ng gobyerno na bawasan ang mga PDL upang magkaroon ng espasyo na gagawing quarantine facility sa mga bilangguan, nananatili pa rin daw na kritikal ang sitwasyon sa ilang mga pasilidad.

Nanawagan din ang ahensiya sa gobyerno ng updated at makatotohanang na may kaugnayan sa sitwasyon ng COVID sa mga bilangguan.

Imahe mula sa PNA

“As the lead agency in the Interim National Preventive Mechanism, CHR’s access to these information would inform policy recommendations that would help target the gaps and eventually alleviate the condition and welfare of PDLs,” dagdag pa ng CHR.

Bukod dito, pinaalalahanan din ng ahensiya ang pamahalaan na ang karapatan sa kalusugan ay karapatan din ng bawat PDL na kinikilala sa buong mundo.

Samakatuwid, ayon pa sa CHR, hindi dapat ma-discriminate ang mga PDLs sa paglalatag ng vaccination plan ng gobyerno at dapat ding isama sa priority list lalo na yaong mga ‘high risk inmates’.

Source :

CHR, ABS-CBN News

Loading…