COVID-19 cases patuloy ang pagdami sa ilalim ng MECQ – OCTA Research

Imahe mula sa PNA
  • Nagpahayag ng pagkabahala ang OCTA Research Group sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa ilalim ng MECQ
  • Noong ECQ ay nagkaroon ng negative growth rate, subalit sa ilalim ng MECQ ay nagkaroon muli ng positive growth rate ang COVID-19
  • Sinabi ni Prof. David na dapat itong masolusyunan dahil nahihirapan na ang mga pagamutan, pero ang tanong niya ay  “ano ang solusyon?”

Nagpahayag ng pagkabahala ang OCTA Research Group dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga bagong COVID-190 cases sa kabila ng ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang kalapit na probinsya.

Screenshot mula sa video ng CNN PH

“It’s still too early to say, pwede pang ma-reverse pero sa totoo lang, we are getting very concerned na the MECQ is not working. We’re just being transparent about the data,” sabi ni Prof. Guido David.

Sa isang panayam, isiniwalat ni Prof. David na bago ipatupad ang ECQ sa NCR+ areas na ang growth rate ng COVID-19 ay 60%. Bumaba ito nang isailalim ang mga lugar na ito sa quarantine bubble at bumaba pa ito sa 20% nang ipairal ang ECQ.

Ayon pa sa professor, nagkaroon pa ng negative growth rate pagkatapos ng 2nd week ng ECQ.

Subalit muling naobserbahan ang positive growth rate nang medyo luwagan ang mga restriksyon kasunod ng pagdeklara ng MECQ. Nakababahala raw ito.

“Pero this week, nawala na ‘yung negative growth rate. Suddenly, naging positive na naman ‘yung growth rate sa NCR. It increased to 4 percent compared sa last week. Nag-change ‘yung indicators, and that’s very concerning,” aniya.

Screenshot mula sa ABS-CBN

“Sinasabi naman namin nun, the ECQ was working. Nagkaroon tayo ng negative growth rate. Now, maybe the MECQ is not working. We will know more lalo na when we see the numbers today and tomorrow. And by Monday, if they continue to be higher than what we are expecting, it might be na ‘yung ( MECQ is actually not working,”  dagdag pa ni Prof. David.

Ayon pa sa kanya, dapat raw na magkaroon ito ng solusyon at huwag hayaan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases dahil nahihirapan na ang mga pagamutan.

Ang tanong niya, ano ang solusyon?

Loading…