COVID posibleng ‘lumobo’ uli sa Hulyo? DOH iginiit na dapat lagi tayong handa anumang oras

Imahe mula sa MSN
  • Nagbabala si Sec. Galvez sa posibleng paglobo ng COVID sa Hulyo
  • Ito raw ang pinaghahandaan ng gobyerno sa ngayon
  • Nilinaw naman ng DOH na mangyayari lamang ito kapag patuloy tayong lumabag sa protocols

Nagbabala si vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring ‘lumobo’ o magkaroon muli ng ‘surge’ ng COVID sa bansa sa darating na Hulyo kaya naghahanda na ang gobyerno sa posibilidad na ito.

“We have to expect this coming June and July, baka magkaroon na naman tayo ng peaking o surge,” ani Galvez sa panayam sa ANC nitong Martes.

Imahe mula sa NEDA

Mali umano ang inaakala ng iba na tapos na ang krisis sa pandemya sa ibang bansa dahil malaki ang posibilidad na maaari itong lumitaw anumang oras at ito ang kanilang pinaghahandaan.

“Nakita po natin, there is a wrong notion na COVID is already finished in some other countries. It can reappear anytime. We have to expect for the worse when we are planning something. We are now preparing for it, just in case,” anang kalihim.

Hangga’t wala raw talagang ‘definite cure’ o talagang tuluyan nang na-eliminate ang COVID ay hindi maaaring sabihin na masisimulan na ang economic recovery ng bansa.

Nothing is certain right now

Samantala, nilinaw naman ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire kung ano ang ibig sabihin ni Galvez tungkol sa maaaring pagkaroon ng ‘surge’ ng COVID sa Hulyo.

Imahe mula sa PCOO

“He (Galvez) was just trying to say that there might be this possibility of another surge in the coming months if we are not going to continuously comply with the protocols and if we are not going to be able to contain the spread of this virus,” paliwanag ni Vergeire sa isang panayam.

Sa ngayon ay wala pang katiyakan sa anumang bagay may kaugnayan sa COVID, ayon kay Vergeire, kaya dapat ay lagi itong paghandaan ng pamahalaan.

“We don’t know because nothing is certain right now. What we really need to do is to ramp up our efforts so that these surges will not happen again,” saad ng opsiyal.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Hindi rin umano dapat magkampante ang publiko na bumaba na ang bilang ng kaso sa NCR base sa naging talaan ng DOH nitong Martes.

Nasa mahigit 8,000 lang kasi ang panibagong kaso sa isang araw subalit ayon kay Vergeire ay ‘artificial decrease’ lamang ito sapagkat karamihan ng testing center ay sarado noong nagdaang weekend.

Ang epekto ng quarantine umano ay karaniwang nalalaman lang makaraan ang dalawang linggo matapos itong ipatupad.

Loading…