Curfew violators ‘di dapat hulihin, bigyan lang ng warning – PNP

Imahe mula sa PTV
  • Hindi na dapat arestuhin ang sinumang mahuling lumalabag sa quarantine restrictions
  • Bagkus ay dapat bigyan na lamang sila ng warning o pagmultahin, ayon sa PNP
  • Kasunod ito ng mga hindi magagandang insidente na may kinalaman sa paghuli sa mga curfew violators

Hindi na dapat arestuhin bagkus ay bigyan lamang ng warning ang mag mahuhuling lalabag sa pinaiiral na curfew sa Metro Manila at karatig-lalawaigan ayon sa pamunuan ng PNP.

Ito ay makaraang mabalita ang ilang hindi magagandang kuwento ng mga taong naaresto sa curfew at checkpoint nitong mga nagdaang mga araw.

“From our end, in so far as the implementation of ECQ is concerned, we are only requiring police officers, those who are conducting checkpoints, to just simply warn, and if there are ordinances that require these violators to pay fines then they will be fined. Maybe some seminars along the way,” paliwanag ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa panayam ng ANC.

Brig. Gen. Ildebrandi Usana| Imahe mula sa Remate

Magugunitang isang lalaking nahuli sa curfew ang binawian ng buhay sa General Trias, Cavite matapos itong parusahan ng ‘pumping exercise’ na umabot sa halos 300 beses.

BASAHIN: Lalaking lumabag sa curfew sa Cavite, pinag-pumping exercise ng 300; bumigay at natuluyan umano

Kamakailan naman ay isang doktor ang ikinulong dahil nakipagtalo sa checkpoint sa Cainta, Rizal nang sitahin dahil sa hindi pagsuot ng face mask at face shield umano. Nagreklamo pa ang doktor dahil isinama raw siya sa mga inmate na mayroong sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Usana, naglabas na ng kautusan ang PNP na iwasan ang pag-aaresto sa kanilang mahuhuli dahil hindi umano ito makatutulong sa kanilang layuning tulungan ang sinumang lumabag sa patakaran.

Public domain image

“But for them to be arrested, the chief PNP himself already instructed our police officers not to do so because that would be tantamount to being counterproductive to addressing the concerns of these violators,” dagdag ng opisyal.

Bukod dito, natuto na rin daw ang PNP sa mga katulad na insidente noong nakaraang taon sangkot ang kapulisan kaya hangga’t maaari ay iwasan na muna ang pag-aaresto kung maiiwasan. Sapat na raw ang warning o pagmultahin na laman ang kanilang mahuhuli.

“There must only be either warning or fines to be imposed depending of course on the LGU requirement,” ani Usana.

Kaugnay nito, nanawagan ang PNP sa kanilang mga tauhan na pairalin ang maximum tolerance at pagiging mahinahon sa pagpapatupad ng panunutunan na may kinalaman sa quarantine restrictions.

Loading…