Dalawang asong iniwan sa loob ng sasakyan, nailigtas ng mga awtoridad

Imahe mula sa Lee County Sheriff's Office
  • Nailigtas ng mga awtoridad ang dalawang aso na iniwan sa loob ng isang sasakyan
  • May tape ang nguso ng isa sa mga asong nailigtas
  • Naipasok na sa local county jail ang mga may-ari ng aso

Nailigtas ng mga awtoridad ang isang aso na binalutan ng tape ang bunganga at iniwan sa loob ng isang sasakyan.

Imahe mula sa Lee County Sheriff’s Office

Ayon sa Facebook post ng Lee County Sheriff’s Office sa Florida noong April 14, agad silang rumesponde nang may tumawag tungkol sa asong namataang naka- tape ang nguso at nasa loob ng isang nakasaradong sasakyan.

Nang matagpuan ng mga awtoridad ang sasakyan ay nadiskubre nila na may isa pang aso sa loob bukod sa asong naka-tape ang nguso. Walang pagkain at tubig sa loob ng sasakyan.

Nakilala ang mga may-ari sa dalawang aso na sina Jaelen Anthony Barge, 20 anyos, at Allison Marie Sweck, 18 anyos.

“These sick individuals have no regard for life, no matter what life it is — in this case, the poor little puppy’s life. It disgusts me that an innocent puppy was left alone in a vehicle, unable to eat, breathe, or drink,” pahayag ni sheriff Carmine Marceno habang ipinapakita ang video ng pag-rescue sa aso.

“It is unbelievable something so senseless could occur. I am proud to say due to the hard work of our detectives, these heartless people are behind bars where they belong,” ayon pa sa sheriff.

Imahe mula sa Lee County Sheriff’s Office

Inimbestigahan ng South District Criminal Investigations Division and Animal Cruelty Task Force ang insidente at dinampot ang dalawang suspek. Ipiniit ang mga ito sa local county jail at nahaharap sa dalawang kaso ng kalupitan sa hayop.

Ang asong tinalian ng tape sa nguso ay ligtas at nakaka-recover na sa ilalim ng pangangalaga ng Lee County Domestic Animal Services. Tinawag nilang “Phoenix” ang asong na-rescue.

Imahe mula sa Lee County Sheriff’s Office

Loading…