Dancing Sun na nakita sa Agusan del Norte may dala raw na himala?

Imahe mula sa video na kuha ng sakristan na si Ivan Uba Apas
  • Naobserbahan sa Agusan del Norte ang diumano’y pagsayaw ng araw noong Easter Sunday
  • Ang pangyayari ay nakuhanan ng video ng isang sakristan
  • Naniniwala ang mga residente na may dalang himala ang pagsasayaw ng araw
  • May paliwanag naman ang PAGASA sa pangyayari

Noong Easter Sunday, isang pambihirang tanawin ang nasaksihan ng mga residente sa bayan ng Nasipit sa Agusan del Norte. Nakita nila na sumasayaw ang araw.

Imahe mula sa video na kuha ng sakristan na si Ivan Uba Apas

Katatapos lang umano ng unang misa sa isang kapilya roon bago mag-alas sais ng umaga nang mapansin ng sakristan na si Ivan Uba Apas ang araw na sumasayaw. Agad niya iyong kinuhanan ng video.

“Kinuhanan ko na lang agad ng video. Nandiyan talaga ang presence ni Jesus,” sabi ng sakristan.

Batay sa mga tinig ng mga tao na maririnig sa video, nagpa-iba-iba ng hugis at kulay ang araw. Hindi rin umano masakit sa mata nang tinitigan nila ang dancing sun.

Maging ang kura paroko ng St. Michael The Archangel Parish na si Fr. Rodel Malazarte ay namangha sa nasaksihan kaya nasambit niya na sila ay mga pinagpala.

Aniya, matagal na niyang ipinagdarasal na makakita ng aktwal na dancing sun at hindi raw niya akalain na ipagkakaloob iyon sa kanya.

Screenshot mula sa KMJS video

Si Fr. Rodel Malazarte ay deboto ng Birhen ng Fatima sa Portugal kung saan noong October 13, 1917 ay nangyari ang tinawag na “Miracle of the Sun”  dahil sa pagsayaw ng araw na nasaksihan ng tinatayang 70,000 na mga tao.

Ang himala sa Fatima ay kinilala ng Simbahang Katolika.  Maging si Pope Pius XII ay nakasaksi ng pagsasayaw ng araw noong October 30, 1950 habang naglalakad sa hardin ng Vatican; dahilan kaya lalong tumibay ang paniniwala ng mga Katoliko sa himala ng dancing sun.

Public domain image

Ilan sa mga residente sa Agusan del Norte na nakasaksi sa dancing sun ang nagsabing gumaling daw ang kanilang karamdaman. May nagsabi naman na magmula nang masaksihan iyon ay naging maayos ang relasyon nilang mag-asawa.

Isang faith healer naman sa Toledo City sa Cebu ang nagsabi na ilang beses na niyang nasaksihan ang pagsasayaw ng araw at iyon daw ang nagbibigay sa kanya ng kakaibang enerhiya para makapanggamot.

Hindi naman naniniwala sa dancing sun ang hepe ng PAGASA Astronomical Observation and Time Services Unit na si Engineer Mario Raymundo. Aniya, isa lang iyon na atmospheric optical phenomenon dahil sa interaksyon ng sinag ng araw sa mga ice crystals na nasa atmosphere.

Screenshot mula sa KMJS video
Source :

YouTube

Loading…