Dating Pangulong Erap muling ibinalik sa ICU –  Jinggoy

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Muling ibinalik sa ICU si ex-President Joseph Estrada
  • Ito ay matapos magkaroon ng infection umano sa baga, ayon kay Jinggoy
  • Dalawang araw pa lang ang nakararaan nang ilipat sa regular na kuwarto ang dating Pangulo dahil bumuti na ang kalagayan

Dalawang araw matapos ibalik sa isang regular room, muling ipinasok sa intensive care unit (ICU) si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada dahil sa infection sa kaniyang baga.

Batay sa pinakahuling update ni dating Senador Jinggoy Estrada sa kaniyang Facebook nitong Biyernes ng hapon, Abril16, nagkaroon umano ng lung infection ang kaniyang ama kaya ito ibinalik sa ICU para ma-monitor nang maayos ang kaniyang paghinga.

Screenshot mula sa Facebook

“We wish to announce that my father had a slight set back last night as his doctors found a super imposed bacterial lung infection,” ani Jinggoy sa kaniyang post.

“He has been brought back to the regular ICU (non covid) for monitoring and support of his blood pressure which fluctuated due to the said infection,” dagdag pa ng panganay na anak ni Erap.

Nonng Miyerkules ay ibinahagi ng dating senador na inilabas na sa ICU ang dating lider at posible umano itong mailipat na sa non-COVID area.

Imahe mula kay JV Ejercito/ABS-CBN News

Nakikipag-usap na raw ito nang maayos, wala na ring lagnat at bumuti na rin ang kaniyang pagkain.

Ganun pa man, nananatiling ‘stable’ at maayos naman daw ang kalagayan ng kaniyang ama kahit inilipat ito sa ICU. Patuloy ding humihingi ng panalangin ang pamliya Ejercito para sa maagang paggaling ng kanilang padre de pamilya.

“But overall, he is stable with high flow oxygen support. Once again, we ask for your prayers for his immediate recovery and also to all those infected with covid19,” ani Jinggoy.

 

Screenshot mula sa Facebook

Isinugod sa pagamutan ang dating pangulo noong Marso 28 dahil sa panghihina ng katawan. Kinalaunan ay kinumpirma ng kaniyang pamilya na nagpositibo ito sa COVID-19.

Makaraan ang ilang araw ay nagpositibo rin sa COVID-19 ang asawa ni Jinggoy na si Precy at ang dalawang babaeng kapatid umano ni Erap.

Mabuti na lamang daw at asymptomatic ang kaniyang misis, ayon sa dating mambabatas, at ang kaniyang mga tiyahin kaya hindi na kinailangang dalhin pa sa pagamutan.

Loading…