Dating US First Lady Michelle Obama, pinuri ang environmental efforts ng isang 21-anyos na Pinay

  • Naging sentro ng IG post ni dating US First Lady Michelle Obama ang efforts ng isang Filipina environmentalist
  • Ayon kay Obama, hanga siya sa mga proyekto at determinasyon ni Carmela Bagum, isang diver at environmentalist mula sa Bacolod 
  • Pinapurihan din ni Obama ang pagsusumikap ni Bagum sa pag-aaral sa kabila ng mga pagsub0k

Kamakailan ay ipinagdiwang ang Earth Day 2021. Sa kabila ng kinahaharap na krisis pangkalusugan ng mundo dahil sa C0VID-19, hindi pa rin naawat ang mga institusyon at pamahalaan sa mundo na ipagdiwang ang araw ng pagpapahalaga sa ating nag-iisang planeta.

Kabilang sa mga nakiisa sa pagdiriwang ng Earth Day 2021 ang dating US First Lady na si Michelle Obama. Idinaan ni Obama sa isang Instagram post ang pagbibigay ng mensahe at paghikayat sa mga mamamayan ng mundo na ingatan ang ating planeta.

Larawan mula sa Instagram post ni Michelle Obama

Sa nasabing Instagram post, isang Filipina diver at environmentalist ang naging sentro ng kanyang mensahe upang magsilbing huwaran sa kanyang mga followers. Ayon kay Obama, ipinagdiriwang niya kasabay ng Earth Day ang mga changemaker na tulad ni Carmela Bagum, 21-anyos, dahil sa mga gawa nito upang mapangalagaan ang kalikasan sa kabila ng mga kinahaharap na balakid.

Saad ng asawa ni dating US President Barack Obama, ang mga katulad raw ni Bagum ay inspirasyon sa kanya na patuloy na kumilos para sa ating kalikasan at mundo. Ikinuwento rin ni Obama sa kanyang post ang naging buhay ni Bagum kabilang ang edukasyon at mga sakripisyo nito para pangalagaan ang kalikasan at karagatan.

“Carmela grew up in a fishing village, where her passion for marine life pushed her to become a licensed fisheries technologist—despite the floods and typh0ons that often closed her school,” pahayag ni Obama.

“She is one of millions of girls whose education has been disrupted by the climate crisis, but she is also part of the rising generation of leaders who are already taking charge as we confront it.”

Larawan mula sa PNA

Dahil sa mga gawa ni Bagum, inilahad ni Obama na isa lamang si Bagum sa limang kabataang babae na tutulungan niya at ilang foundation upang maipagpatuloy ang kanilang mabuting hangarin para sa mundo.

Nagtapos si Bagum bilang cum laude sa Carlos Hilado Memorial State College sa Bacolod City noong 2009. Isa si Bagum sa mga naglunsad ng proyektong ProCoast na naglalayong protektahan ang mga dalampasigan ng mga lugar na madalas daanan ng bagy0.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Obama (@michelleobama)

Loading…