‘Declogging’ ng mga ospital sa NCR sinimulan na; mild cases inilipat sa mga isolation facilities

Imahe mula sa Japan Times
  • Sinimulan na ang ‘declogging’ ng mga ospital sa Metro Manila
  • Ilang bagong isolation facilities na ang binuksan nitong nagdaang mga araw
  • Doon ililipat ang mga mild cases ng COVID-19, ayon sa IATF

Sinimulan na ang ‘declogging’ ng mga ospital sa Metro Manila upang mabakante ang ilang beds na inookupa ng mga pasyenteng may mild na sintomas at inilipat sila sa mga bagong bukas na isolation facilitis.

Batay sa ulat ng Inquirer, ilan sa mga bagong bukas na isolation facilities ay ang 500-bed treatment hub sa the Clark Special Economic Zone, at ang 336-bed capacity “field hospital” sa Quirino Grandstand sa Maynila na nagkakahalaga ng P154-M.

New Clark City isolation facility| Imahe mula sa Twitter

Nakatakda na rin magbukas sa mga susunod na araw ang  Eva Macapagal Terminal treatment site sa Port Area Manila na kayang tumanggap ng hanggang 300 na pasyente.

Bukod dito, ilang unibersidad at kolehiyo ang ginawa na ring temporary isolation facilities tulad ng College of St. Benilde sa Taft Avenue sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross. Ganun din ang mga campus grounds ng Ateneo at University of the Philippines (UP), at maging ang mga tent na itinayo sa Lung Center of the Philippines at sa  National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Kabilang sa mga naunang nailipat sa Clark ay ang 30 health care workers ng Tala Hospital sa Caloocan City na nagpositibo sa COVID subalit may mild symptoms lamang. Ito ay pinasinayaan noong nakaraang linggo at okupado na ang 50 beds ngayon.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Ayon kay deputy chief implementer ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease na si Vince Dizon, ang pinagsanib na hakbang ng DPWH at mga LGUs ay nagresulta para mabakante ang nasa 10,000 beds sa Metro Manila.

Subalit dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID, lumalabas na hindi pa rin ito sapat.

“We thought this was enough. But we realized how unpredictable COVID is, and those] were not enough,” ani Dizon sa ginanap na press briefing.

Dahil dito, layon ng DPWH na mabakante pa ang nasa 300 beds sa susunod na dalawang buwan.

Luneta isolation facility| Imahe mula sa ABS-CBN News

Batay sa datos na inilabas ng Malakanyang, ang utilization rate ng mga ospital sa NCR ngayon ay 82% sa ICU beds, 61% sa isolation beds, at 70% sa ward beds, habang nasa 60% naman ng mga ventilators ang gamit na.

Kaugnay nito, pag-aaralan pa umano ang kasalukuyang daily attack rate at two-week attack rates ng COVID-19 at ito ang magiging basehan kung may pagbabago sa quarantine status pagtuntong ng buwan ng Mayo.

Loading…