Dela Hoya ‘binuweltahan’ si Pacman sa laban nila noon: “Couldn’t take me down drained and all”

Imahe mula sa CBS Sports
  • ‘Binuweltahan’ ni ‘Golden Boy’ si Pacman tungkol sa naging laban nila noon
  • Ito ay matapos magbahagi ang Pambansang Kamao ng clip ng kanilang paghaharap noong 2008
  • Kamakailan ay napabalita ang posibleng pagbabalik sa ring ng six-division champion

Hindi natiis ng boxing legend at ngayon ay promoter na si Oscar Dela Hoya na ‘pasaringan’ si Manny Pacquiao matapos ibahagi ng huli ang clip sa Instagram ng kanilang naging laban noon.

Ang tinaguriang ‘Golden Boy’ ng boksing ay tinalo ng Pambansang Kamao sa loob ng siyam na round sa kanilang ‘The Dream Match’ noong December 2006.

Ang pagkatalong ito ni Dela Hoya ay nauwi sa kaniyang biglang pagretiro sa sports na may record na 39-6, 30 KOs.

Screenshot mula sa Instagram

Subalit matapos i-post ni Pacman kamakailan ang isa sa mga clips ng kanilang salpukan sa ring, may pasaring na komento dito si Golden Boy.

Aniya, “And still couldn’t take me down drained and all. Love you.”

Bagama’t maraming commenter ang naniniwalang biruan lamang ito sa pagitan ng dalawang alamat sa boksing, na kilala bilang magkaibigan rin, mayroon pa ring bumatikos kay Dela Hoya dahil umano siya ang kusang sumuko sa laban kaya itinigil na ito sa 9th round.

Imahe mula sa Boxing Scene

Ganun pa man, maaaring ang komento ni Dela Hoya ay isang indikasyon na posible itong bumalik sa ring mula sa pagretiro sa mga darating na araw.

Kamakailan ay lumabas ang balitang iaanunsiyo ng 48-anyos na six-division titlist ang kaniyang comeback. Isa rin sa posible umano makaharap ni Golden Boy ay si Floyd Mayweather na tumalo rin sa kaniya noong 2007 bago ang laban nila ni Pacquiao.

Kaya ngayon ay inaabangan na rin ang pagbabalik ni Dela Hoya sa sports kung saan siya nakilala at yumaman matapos ang 14 taong pagreretiro.

Loading…