Delay sa allowances ng healthcare workers, isinisi ng DOH sa ‘technical issues’

Imahe mula sa The Straits Times
  • May ‘technical issues’ sa mga ospital kaya delay ang allowances ng mga health workers
  • Subalit inaayos na naman umano ito sa ngayon
  • Ito ay matapos sumulat ang grupo ng mga healthcare workers kay Pangulong Duterte

‘Technical issues’; ito ang itinuturong dahilan ng Department of Health (DOH) kung bakit patuloy na nade-delay ang pag-release ng allowances ng mga healthcare workers sa bansa.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kaniyang panayam sa Teleradyo, sinabi ng opisyal na nakararanas ng isyung teknikal ang ilang mga ospital ngayon subalit ginagawan naman na daw ito ng paraan.

Imahe mula sa PCOO

“Meron pong mga technical issues sa mga ibang hospital kung bakit hindi pa nila ma-release ang ibang allowances ng ating mga healthcare workers, pero ito po ay inaayos na sa ngayon,” ani Vergeire subalit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Iginiit din ni Vergeire na dapat ay sasailalim sa regular na COVID testing ang lahat ng health care workers at frontliners sa mga ospital.

Bukod dito, tumatanggap din daw ngayon ang mga medical workers ng karagdagang incentives, hazard pay at risk allowances.

“Dapat po nabibigyan sila ng accommodation and free meals ng ating mga hospital na kung saan naibaba na po natin ang budget para dito sa mga sinasabi kong benepisyo ng healthcare workers,” dagdag pa ni Vergeire.

Imahe mula sa DW

Ginawa ng DOH ang naturang pahayag matapos sumulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang grupo ng mga health workers para humiling ng dialogue.

Ayon sa grupong Alliance of Health Workers, bagama’t pinahahalagahan nila ang matawag na ‘bayani’ ngayong pandemya, mas kailangan umano nilan ngayon ang suporta ta proteksiyon.

“For more than a year now, we have selflessly offered our health and lives to overcome this pandemic. Thus, it is only right to sincerely ask you to hear upon our miserable plight and seek a resolution to our misery,” bahagi ng sulat ng grupo.

Screenshot mula sa Facebook

Maliban sa hiling nilang mag-hire pa ng karagdagang health workers, hinihingi rin ng grupo na ma-release na ang mga benepisyong ipinangako sa kanilan sa ilalim ng pangalawang Bayanihan to Heal as One Law.

“We hope that through this meeting, a resolution to end our agony will be achieved,” dagdag pa ng kanilang sulat.

Loading…