Delivery rider nadale ng pekeng order, mga pulis nag-ambagan para mabayaran ito

Image by Potrero PCP via Facebook
  • Food delivery rider nabiktima ng pekeng order
  • Kapulisan ng Malabon nag-ambagan para bilhin ang na-order sa rider
  • Bumuhos ang papuri para sa good deeds ng PNP

Mahirap na nga ang trabaho lalo pa’t nakabilad sa araw at patuloy na kumakayod para makapaghatid ng makakain sa pamilya kahit may pandemya, marami pa rin ang nanloloko sa mga food delivery riders.

Image by Potrero PCP via Facebook

Nabiktima ng prank kamakailan ang isang Food Panda delivery rider makaraang lokohin ng kustomer na nag-order ng milk tea, kaya’t kaagad niyang inireport ang pangyayari sa mga awtoridad.

Ayon sa PNP Good Deeds, lumapit ang rider sa Potrero Police Community Precinct ng Malabon City Police Station na nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng Gov Pascual, Brgy. Potrero, Malabon City.

Sa awa sa food delivery driver na nakabilad sa arawan, nag-ambagan ang mga pulis upang bilhin ang milk tea.

“Pagpapatunay lamang na sa mundo na maraming manloloko, may mga tapat pa rin sa serbisyo at tutulong sa ‘yo,” saad pa sa post ng PNP Good Deeds.

Dahil dito, kaagad na nag-trending ang kabutihang ginawa ng mga pulis na mayroon nang higit 1,700 reaksyon at abot 890 pagbabahagi. Bumuhos din ang mga komento ng pagsaludo sa kabayanihang naganap.

Komento ng isa, “A snappy salute to our men and women in uniform! Salamat PNP sa inyong paglilingkod sa bayan.”

Image by Police Regional Office 2 via Facebook

May nagsabi naman ng, “Dapat talaga lahat ng sim card naka-register na. Hindi makakabili hangga’t walang mga valid ID. D’yan kasi ang bilis lang magpalit ng sim card kaya ang daming manloloko.”

Saad pa ng isa, “Pagdating siguro sa pagkain, tanggalin na ‘yung COD method. Online na lang ang payment. Salamat nang marami sa mga kapulisan natin na nagmagandang loob na bayaran ‘yung inorder ng hinayupak na ‘yan. Kawawa naman ‘yung food rider. Nagtatrabaho nang marangal, ganyan gagawin.”

Source :

Facebook

Loading…