Delivery rider naglabas ng hinaing online: “Akala nila madali lang, akala nila petiks…”

Image by Justin Quiban via Facebook
  • Delivery rider naglabas ng kanyang hinaing online kaugnay sa mga sakripisyo ng mga riders
  • Justin Quiban: Akala nila petiks ka lang sa trabaho
  • Pahayag ni Justin, ang hindi batid ng marami ay nasa hukay ang kanilang mga paa paglabas nila ng bahay

Hindi na napigilan ng delivery rider na si Justin Quiban ang sarili at naglabas ng hinaing sa social media kaugnay sa mga pagod at sakripisyo nilang mga delivery riders na kung minsan pa ay naiinsulto, nalilipasan ng gutom at nagpapasensya sa matinding trapik at iba pa.

Image by Justin Quiban via Facebook

Ani Justin, “Hindi nila naiintindihan kasi akala nila madali lang. Akala nila petiks ka lang sa trabaho, akala nila nagmamaneho ka lang ng motor at pasyal nang pasyal. Ngunit hindi nila batid ay ang pagod at sakripisyo ng pagiging isang delivery rider.”

Sa pag-alis umano nila ng bahay ay tila “nasa hukay na ang isang paa” yamang kaakibat ng kanilang trabaho ang peligro. Pahayag niya, “May mabibiktima ng holdap, aksidente, fake booking… Lahat ng ‘yan hindi mo alam kung mangyayari sa’min ‘yan tuwing nasa trabaho kami.”

Iniinda rin daw nila ang pabago-bagong panahon gaya ng matinding sikat ng araw o malakas na pag-ulan, maging ang magkakaibang ugali ng kanilang mga kustomer – minsan mabait, minsan nang-iinsulto.

Minsan ay nawawalan na raw sila ng panahon sa pamilya yamang ibinubuhos na nila ang oras sa trabaho para magkaroon ng sapat na panggastos at makaipon.

Gayun pa man, wika ni Justin, malaki ang pasasalamat nila sa mga taong nakaka-appreciate sa kanila at mga taong dahilan ng kanilang pagsusumikap.

Screenshot mula sa GMA video

“Kaya maraming salamat sa mga taong nakaka appreciate sa amin. Sa mga asawa at anak, mga magulang, kamag-anak at kaibigan na nagpapalakas ng aming loob upang harapin ang bagong umaga at gawing mas matatag ang loob sa araw- araw.”

Saludo umano siya sa mga kapuwa delivery riders na nagpapakatatag para sa kinabukasan ng pamilya. Nagpasalamat din si Justin sa mga patuloy na tumatangkilik sa kanilang serbisyo, dahilan para magkaroon sila ng trabaho.

Photo from Pixabay
Source :

Facebook

Loading…