DepEd nag-sorry dahil sa tila ‘pang-iinsulto’ kay Mar Roxas sa isang module

Imahe mula sa M2Comms
  • Isa na namang module ng DepEd ang nag-viral sa social media na pinalagan ng ilang netizens
  • Ito ay dahil umano sa ‘pang-iinsulto’ kay Mar Roxas na kilalang taga-oposisyon
  • Humingi na ng paumanhin ang DepEd na inaming ‘inappropriate’ nga ang laman ng module

Humingi ng paumanhin ang Department of Education (DepEd) matapos lumabas sa social media ang isang learning module kung saan mistulang ‘ininsulto’ nito si dating senador at Interior Secretary Mar Roxas.

Ibinahagi ng isang netizen kamakailan ang kuhang larawan ng nabanggit na module na pinalagan ng ilang netizen dahil sa diumano’y propaganda laban kay Roxas, na kilalang kasapi ng oposisyon at kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Ang naturang module ay para sa mga Grade 6 students ng pampublikong eskuwelahan sa Las Piñas City.

Imahe mula sa Facebook/ JC Punongbayan

Mababasa kasi rito ang pangungusap na “Pakitang-tao ang ginawa ni Mar Roxas” at “Mistulang basang-sisiw si Mar Roxas sa bidyo”.

Sa pahayag na inilabas ng DepEd-Division of Las Piñas City, inamin ng ahensiya na ‘inappropriate’ ang laman ng nag-viral na 2nd Quarter Self Learning Module (SLM) para sa subject na Filipino.

Inabisuhan na rin umano nila ang division office na baguhin ito sapagkat ang na-print na version ay hindi nila aprubado.

“The particular content was identified and was advised to be corrected. Unfortunately, the one that was printed was not the approved and final version of the SLM and with this, we take full responsibility and accountability toward these lapses,” ayon sa pahayag ng DepEd.

Imahe mula sa Facebook – DepEd Tayo – Division of Las Piñas City

Dahil dito humihingi ng paumanhin ang ahensiya sa mga na-offend ng laman ng module at tiniyak na inaayos na nila ito.

“We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals who may have been offended or harmed in any way by this incident. This Office is taking appropriate remedial and preventive measures to rectify the same,” dagdag pa ng ahensiya.

Grade 5 student sumulat sa DepEd para punahin ang ‘gender bias’ sa module

Kamakailan ay nag-viral din ang isa pang module sa South Cotabato matapos itong kuwestiyunin ng isang Grade 5 student dahil naman daw sa pagiging ‘gender-bias’.

Loading…