Deped Sec. Briones pinagre-resign dahil sa ‘late’ na pagbili ng learning modules

Imahe mula sa Deped
  • Pinagre-resign ng isang kongresista si Deped Sec. Leonor Briones dahil sa anomalya sa pagbili ng SLMs
  • Late na raw kasi ito at posibleng hindi na maipamahagi pa
  • Bukod dito, baka wala na raw mapag-imbakan at mabulok na lamang ito

Pinagbibitiw sa puwesto ng isang kongresista si Deped Secretary Leonor Briones dahil umano sa maanomalya at ‘delayed’ na pagbili ng self-learning modules (SLMs).

Ayon kay SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta, tila hindi na nadala ang Deped kahit pa ibinulgar na niya noong nakaraang buwan ang kakulangan sa learning modules ng pampublikong paaralan.

Image capture from video by Eagle News Live via YouTube

“They have neither reformed nor learned their lessons. From the time that I exposed the lack of learning modules for the third quarter in my privilege speech on March 15, 2021,’’ ani Marcoleta sa kaniyang regular na programa sa radyo.

Binanatan din ng kongresista ang kabiguan ng Deped na ibigay ang kumpletong report tungkol sa paglilimbag sa kanilang SLMs kahit pa inungkat na niya ito sa ginanap na budget hearing noong 2020.

Nitong nagdaang araw, inanunsiyo ng Deped sa kanilang Facebook page ang invitation to bid para sa pagbili ng SLMs sa Grade 4 para sa 10 subjects nitong 4th quarter.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“They will have to first answer the basic question as to why they are procuring P4.2 billion worth of modules very, very late in the day knowing only too well that they will not be able to deliver these to the schools in time for the 4th quarter,” ani Marcoleta.

Bakit daw lumalabas na ipalilimbag pa ito kung malabo namang maipamahagi dahil sa kakapusin na sa oras. Bukod dito, saan naman daw ilalagak ang napakaraming SLMs na ito sakali mang malimbag nang sabay-sabay.

Image capture from video by Eagle News Live via YouTube

“This is a wanton waste of people’s money because there is absolutely no way that the modules could be used for the next quarter that will start on May 17 and ends on July 10, 2021,” ayon pa sa mambabatas.

Inihalintulad din ni Marcoleta ang ‘anomalyang’ ito sa pagbili noon ng information and communications technology (ICT) packages na nadiskubre sa 2017 at 2018 Commission on Audit (COA) report na kinalaunan ay nagkaroon ng problema sa delivery at after-sales service ng suppliers.

Loading…