‘Di na takot malaos, Toni aminadong nami-miss ang simpleng buhay

Image by Toni Gonzaga via Instagram
  • Toni Gonzaga, hindi na raw natatakot malaos
  • Toni: Inevitable naman iyan eh. There will be a season where it’s not your season anymore
  • Nami-miss daw niya ang simpleng bonding moment nila noong wala pa sila ni Alex sa showbiz

‘Di katulad noong mas bata pa siya, hindi na raw natatakot si Toni Gonzaga na malaos at tanggap na raw niya na hindi ito mapipigilan. Ito ang sinabi ni Toni sa panayam ni Boy Abunda kamakailan.

Image by Toni Gonzaga via Instagram

Saad ni Toni, noong mas bata pa siya ay natatakot siyang malaos at ito ang palaging ipinananakot sa kanila kapag ayaw tumanggap ng trabaho o tatanggi sa gig. Pero, habang tumatanda raw ay pipiliin mo na kung sino ang pakikinggan at kung sino ang hindi.

Aniya, “’Hay nako malalaos ka.’ Bigla ka na lang magsasalita sa sarili mo, ‘Eh ‘di malalaos talaga.’ Inevitable naman iyan eh. There will be a season where it’s not your season anymore. You have to be comfortable with that. You have to accept that. ‘Yung pagiging laos is a matter of how you look at it.”

Malaki umano ang pasasalamat niya sa kanyang mga natamo sa loob ng dalawang dekada sa industriya pero palaging nariyan pa rin ang kanyang mga insecurities na pinaniniwalaan niyang hindi mawawala sa kanya.

“Kasi the moment that you feel na you know it all, you have it all, that’s the moment you stop learning,” saad ni Toni.

Sa kabila ng kasikatang natatamo, nami-miss din daw niya ang simpleng buhay at bonding moments na mayroon sila kasama ang kanyang mga magulang at kapatid na si Alex.

Image by Toni Gonzaga via Instagram

Pahayag ni Toni, palagi nilang pinag-uusapan ni Alex ang simpleng buhay nila noon. “Yung ang saya na namin kapag summer kasi magrerenta lang kami ng video noon tapos manonood lang kami ng DVD, masaya na kami sa bahay lang kami.

“Simple lang ang buhay so ‘yung kasiyahan mo simple lang. Those were the happiest moments, yung simpler times.”

Image by Toni Gonzaga via Instagram

Loading…