DILG binalaan ang mga epal na politiko na gagamit ng larawan at pangalan sa pamamahagi ng ayuda

Imahe mula sa RMN
  • Nag-warning ang DILG sa mga politiko na huwag gamitin para sa eleksyon 2022 ang pamamahagi ng ayuda sa NCR+
  • Ipinagbabawal ang paggamit ng larawan at pangalan ng politiko sa distribusyon ng financial assistance
  • Maaaring magreklamo ang publiko sa pinakamalapit na DILG office kung may politikong lumabag sa kautusan

Binalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga politiko na huwag gamitin ang pamamahagi ng ayuda para isulong ang mga plano hinggil sa nalalapit na eleksyon.

Imahe mula sa Metro Headlines

Sinabi ng DILG na hindi dapat gumamit ng mga larawan at pangalan ng politiko sa pamamahagi ng cash assistance sa mga residente ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan (o NCR+)  na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

“The use of the ayuda for partisan political purposes for the 2022 national elections is strictly prohibited. The DILG will not tolerate the politicization of government aid or tolerate the practice when we see it or made aware of it,” sabi ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya.

Sinabi ni Usec. Malaya na ang mga lalabag ay pananagutin sa ilalim ng Section 82 ng General Appropriations Act kung saan nakasaad ang pagbabawal sa paggamit ng pangalan, imahe, logo, pirma at iba pang representasyon ng mga public officials, elected man o appointed, sa lahat ng mga proyekto at programa ng gobyerno.

Imahe mula sa DILG

Ayon kay USec. Malaya, maaaring magreklamo ang publiko sa pinakamalapit na DILG office kung may politikong lumabag sa kautusan. Dalhin lamang ang larawan at iba pang ebidensya ng paglabag bilang suporta sa reklamo.

Ang DILG at Department of Social Welfare and Development ay naglabas ng guidelines sa pamamahagi ng financial assistance na P1,000 kada indibidwal o hanggang P4,000 bawat pamilya na naninirahan sa NCR+ areas.

Imahe mula sa DBM
Source :

Journal, CNNPH

Loading…