DILG exec pabor na palawigin pa ng 1 week ang ECQ sa NCR+ areas

Imahe mula sa Yahoo News
  • Pinag-aaralan na ng IATF kung ano ang community quarantine classification na ipatutupad pagkatapos ng 2nd week ng ECQ sa ika-11 ng Abril
  • Pabor si DILG Officer-in-charge Bernardo Florece, Jr na ma-extend pa ng 1 week ang ECQ sa NCR+ areas
  • Rekomendado rin ng OCTA Reseasch ang 1 week ECQ extension upang magpatuloy ang pagbaba ng positivity rate ng COVID-19 sa NCR

Sa Linggo, ika-11 ng Abril, ay matatapos na ang ikalawang linggo ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR+ areas (Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan).

Imahe mula sa Muntinlupa City PIO

Ang desisyon kung palalawigin pa o hindi na ang ECQ ay pinag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ayon kay Department of Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

“Sa ngayon po (April 10), nag-uusap pa po ang IATF regarding this matter. We’ll give information after the meeting,” pahayag ni Usec. Vergeire.

Kung ang tatanungin ay si Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr., pabor siya na ma-extend pa ng isang linggo ang ECQ.

“Almost 2 weeks na tayo pero ‘di pa natin ganap na nararamdaman ‘yung epekto nito so probably another week will be enough,” pahayag ni Florece.

Ang desisyon pa rin daw ng IATF, na ibabatay sa siyensya, ang masusunod tungkol sa bagay na ito.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“Pero at the end of the day, of course ang nagde-debate d’yan members ng IATF at inaaral talaga kung ano ang rekomendasyon pero babase talaga sa available data sa science. ‘Yun ang pinagbabasehan ng IATF,” ani Florece.

Inirerekomenda rin ng OCTA Research Group ang isa pang linggong extension ng ECQ upang magpatuloy ang pagbaba ng positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

“The positivity rate in the NCR was 25 percent over the past week… the ECQ has been effective in reducing the growth rate and reproduction number in the NCR. There is hope that the NCR will be on a downward trend by next week. Extend the ECQ for another week to continue to slow down the surge, decongest our hospitals and relieve the pressure on our healthcare workers,” sabi ng grupo.

Kung hindi posible ang 1 week ECQ extension, iminungkahi ng OCTA Research Group ang dalawang linggo ng modified ECQ.

Screenshot mula sa ABS-CBN video
Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…