DILG inatasan ni Pang. Duterte na silipin ang mga reklamo hinggil sa distribusyon ng ayuda

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Inatasan ni Pang. Duterte ang DILG na tingnan ang mga reklamo ng mga benepisyaryo hinggil sa pamamahagi ng ayuda
  • Ilan sa mga reklamo ay ang diumano’y kulang na ayuda at ang iba ay hindi nakatanggap gayong pasok sila sa pamantayan bilang benepisyaryo
  • Sinabi ng DILG na araw-araw nag-iikot ang mga undersecretaries at assistant secretaries ng ahensya upang mag-monitor ng pamamahagi ng ayuda

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng direktiba ang Department of Interior and Local Government (DILG) na silipin ang mga reklamo hinggil sa diumano ay mga iregularidad sa pamamahagi ng financial assistance sa mga residente ng NCR+ areas.

Imahe mula sa PNA

Sa ginagawang pulong noong Lunes, April 12, sinabi ng Pangulo na nakita niya sa media reports ang tungkol sa hinaing ng mga benepisyaryong nakaranas ng problema sa pagkuha ng ayuda.

Ang utos ng Pangulo ay kasunod ng report ni DILG officer-in-charge Bernardo Florece, Jr. na wala ni isang reklamong natanggap ang ahensya hinggil sa pamamahagi ng financial assistance sa NCR+ areas.

Ilan sa mga ulat na binanggit ng Pangulo ay ang mga benepisyaryong nagreklamo  na kulang ang ayudang natanggap at ang iba naman ay walang natanggap gayong kabilang sila sa priority list ng mga beneficiaries.

“Maraming nagreklamo na ano , so ask your field officers to try to make the rounds and investigate if these allegations are true,” atas ni Pang. Duterte sa DILG.

Tumugon naman si Usec. Florece at sinabing ang lahat ng mga undersecretaries at assistant secretaries ay araw-araw nag-iikot upang i-monitor ang distribution ng financial aid.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Maraming residente ng NCR+ ang nagreklamo sa pamamagitan ng social media na magulo ang paraan ng pamamahagi ng ayuda. Binalewala na umano ng maraming local government units ang health protocols dahil pinapila sila sa halip na ibahay-bahay ang pagbibigay  ng tulong.

Sa ilang barangay sa Quezon City, ang mga residente ay inabot ng madaling araw bago nabigyan ng ayuda.

Screenshot mula sa video ng Taguig unlimited

Loading…