Dimples Romana binuksan na ang kanilang bagong restaurant sa Singapore

Screenshots mula sa Instagram
  • Binuksan na kamakailan ang bagong branch ng restaurant ni Dimples sa Singapore
  • Masaya itong ibinahagi ng Kapamilya aktres sa kaniyang Instragram account nitong Miyerkules
  • Ito na ang pangalawang restaurant nina Dimples at nakatakda pa silang magbukas ng tatlong branch sa bansa

Binuksan na ng Kapamilya aktres na si Dimples Romana ang kauna-unahang branch ng kaniyang restaurant sa Singapore kamakailan.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Dimples ang kaniyang pasasalamat sa mga patron na kumain sa Alegria Singapura at patuloy na nagpapadala at nagta-tag sa kaniya ng mga kuhang larawan ng naturang restaurant.

Alegria Singapura| Screenshot mula sa Instagram

Ang Alegria Singapura ay matatagpuan sa 18 Teck Lim at pormal itong nagkaroon ng soft opening noong Abril 22.

“Alegria Singapore Teck Lim Road SG the past week has been a blast as our Team Alegria in Singapore has been experienced and enjoyed by locals and our fellow Filipinos – the food, the ambiance, the drinks,” ani Dimples sa Instagram post nitong Miyerkules, Abril 28.

Ang Singapore branch ng Alegria ang pinaka-latest na business venture ng mahusay na aktres at ng kaniyang mister na si Boyet Ahmee kasama ang ilang partners sa ilalim ng Grupo Alegria Inc.

Alegria Manila| Imahe mula sa Spot.ph

“A BIG THANK you to everyone who keeps sending us and tagging us their photos, videos of their food and dining experience, you guys are the best!!!” wika pa ni Dimples.

Ito na ang pangalawang restaurant ng grupo ni Dimples matapos buksan ang Alegria Manila sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City. May plano na ring magtayo pa ang aktres ng tatlong karagdagang branch – Alegria Cantina (Molito, Alabang), Hacienda Alegria (Tagaytay) at Café’ Alegria (BGC).

Screenshot mula sa Instagram

Matitikman sa Alegria Singapura ang iba-ibang klase ng appetizers, main dish at desserts na may modern fusion ng Latin, European, at Asian influences.

Ang restaurant ay bukas sa mga kustomer mula Martes hanggang Sabado, ayon sa post ni Dimples.

Loading…